EXCITED na ang loyal fans and followers ni Kris Aquino sa mga susunod pa niyang ipamimigay para sa kanyang month-long birthday celebration.
Turning 48 na si Kris sa Feb. 14 at sa halip na siya ang regaluhan siya ang magbibigay ng gifts sa kanyang mga supporters. Nagsimulang mamigay ng regalo ang Social Meddia Queen sa launching ng Zalora Wear Kris Birthday Collection noong Jan. 30.
At dahil nga 48 years old na siya, 48 winners din ang tatanggap ng Zalora Wear Kris statement shirts.
Kasabay nito, nagpasalamat din si Kris sa partnership nila ng Zalora.
Kasabay nito, ibinalita rin ni Kris sa Instagram ang kanyang Ever Bilena Kris Life Kit birthday bundle deals at special celebration Kris lipstick sets.
Iaanunsiyo niya rin daw soon ang gagawin niyang pamimigay sa kanyang followers ng paborito niyang lipstick shades na Life at Lucky.
Kaya sa lahat ng fans at social media followers ni Kris, wait na lang kayo sa mga susunod niyang pasabog lalo pa’t nalalapit na ang kanyang kaarawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.