“OO takot ako sa asawa ko!” Ito ang diretsong inamin ni Robin Padilla sa nakaraang presscon ng comeback movie niyang “Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story”.
Hangga’t maaari raw ay ayaw niyang sumama ang loob ni Mariel Rodriguez kaya ginagawa niya ang lahat para mapaligaya ang asawa.
Pareho raw sila ni Gen. Bato na takot sa asawa pero agad niyang nilinaw na hindi naman sila ander de saya. Mahal na mahal lang nila ang kanilang mga misis kaya ayaw nilang magalit o magtampo ang mga ito.
“Ay hindi naman yung ander! Iba yung ander! Yung ander utusan yun. Yung takot, takot ka lang magalit yung asawa mo, takot ka magtampo yung asawa mo,” pahayag ni Robin nang makachikahan ng ilang members ng media sa mediacon ng “Bato” na showing na ngayon in more than 200 theaters nationwide.
Magsa-sampung taon nang mag-asawa sina Robin at Mariel at going strong pa rin ang kanilang married life. At yan ang iniingatan ng action star.
“Takot ako magalit si Mariel siyempre! Takot ako magtampo siya!” sey pa ni Binoe.
Sa isang panayam naman, sinabi ni Mariel na ginagawa rin naman niya ang kanyang best para mapasaya si mister.
“Talaga ba? Wala naman ako maraming rules na binibigay so hindi naman siya ganu’n ka-ano, give and take naman kami kaya ganu’n,” sabi ni Mariel.
Walang maipipintas ang TV host-actress sa kanyang asawa at sobra niyang naa-appreciate ang pagmamahal at pag-aalaga ni Robin sa kanya at sa kanilang anak na si Isabella.
“Robin has been consistent in showing me na he really, really cares for our family and our family is first,” pahayag pa ni Mariel.
Samantala, mulin nanawagan si Binoe na sana’y huwag nang mapolitika ang kanyang pagbabalik-pelikula sa pamamagitan nga ng biopic ni Gen. Bato. Hiling niya na panoorin muna ng mga tao ang nasabing pelikula bago sila husgahan ng kung anu-anong malilisyosong intriga.
Ang nais lamang daw nila ay mabigyan ng magandang pelikula na ikaka-proud ng bawat Filipino. Ang “Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story” ay mula sa ALV Films at BENCHingko Films to be released by Regal Films and directed by Adolf Alex, Jr..
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.