ANG gabinete ni Pangulong Duterte ang may pinakamababang net satisfaction rating sa mga sangay ng gobyerno, ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Pero ang nakuha nitong 35 porsyento (52 porsyentong satisfied, 29 porsyentong undecided at 17 porsyentong dissatisfied na nakuha nito noong Disyembre ay mas mataas sa 32 porsyento na naitala nito sa survey noong Setyembre.
Nanatili namang pinakamataas ang net satisfaction rating ng Senado na nakakuha ng 58 porsyento (71 porsyentong satisfied, 16 porsyentong undecided at 13 porsyentong dissatisfied). Tumaas ito ng 10 porsyento.
Ang Kamara de Representantes naman ay nakakuha ng 40 porsyentong net rating (57 porsyentong satisfied, 25 porsyentong undecided at 17 porsyentong dissatisfied).
Mas mataas ng apat na porsyento kumpara sa mas naunang survey.
Ang Korte Suprema naman ay tumaas ng anim na porsyento at naitala sa 37 porsyento (54 porsyentong satisfied, 27 porsyentong undecided at 17 porsyentong dissatisfied).
Ginawa ang survey mula Disyembre 16-17 at kinuha ang opinyon ng 1,440 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 2.6 porsyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.