Tony Labrusca pwede na uling magtrabaho sa Pinas, ka-join sa ‘Babae Sa Septic Tank 3’
MUKHANG nalusutan na nga ni Tony Labrusca ang kontrobersyang kinasangkutan nito recently matapos gumawa ng eksena sa NAIA Terminal 1 at makipagsagutan sa immigration officers.
Napabalitang desidido ang Bureau of Immigration at Department of Foreign Affairs na ipa-deport si Tony matapos na makipagtalo sa mga immigration staff sa airport dahil hindi siya nabigyan ng balikbayan visa sa pagbabalik niya sa Pilipinas.
Ngunit balitang naayos na ang problema ni Toni sa BI at DFA kaya maaari na uli siyang magtrabaho sa bansa. Hindi lang kami sigurado kung hawak na ng kampo ni Tony ang working visa na kailangan niya para maipagpatuloy ang kanyang pag-aartista.
Isa pang patunay na okay na uling tumanggap ng trabaho ang “Glorious” lead star ay ang pagkuha sa kanya bilang isa sa mga leading man ni Eugene Domingo sa part 3 ng “Ang Babae Sa Septic Tank.”
Mismong ang direktor nitong si Joey Reyes ang nagbandera ng good news sa madlang pipol sa pamamagitan ng Instagram. Aniya ang magiging title nito ay “Ang Babae sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken.”
Unang napanood ang part 1 ng “ABSST” noong 2011 habang ang part 2 nito ay ipinalabas noong 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.