Gusto ni Du30 ibibigay ng Kamara- GMA | Bandera

Gusto ni Du30 ibibigay ng Kamara- GMA

Leifbilly Begas - January 23, 2019 - 03:25 PM

GUSTO ni Pangulong Duterte na ibaba ang age of criminal responsibility kaya ito ang ibibigay ng Kamara de Representantes.

Ayon kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa simula pa lang ay sinabi na nito na ang kanyang prayoridad ay kung ano ang prayoridad ni Duterte.

“From the beginning, my agenda is the President’s agenda,” ani Arroyo sa panayam matapos itong lumabas sa pagdinig ng House committee on transportation sa Roll-On-Roll-Off projects ng gobyerno.

Sinabi ni Arroyo na hindi niya dinidiktahan ang mga komite kung ano ang ilalabas nitong bersyon ng panukala.

“To me whatever Congress will eventually come up with, I don’t dictate. I dictate on deadlines, but I don’t dictate on substance,” saad ng dating Pangulo.

Isang araw matapos aprubahan ng House committee on justice, sumalang na sa deliberasyon ng plenaryo ng Kamara ang panukala na ibaba sa siyam na taon ang age of criminal responsibility.

Iginiit ng chairman ng komite na si Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon na hindi itatrato na parang isang ordinaryong kriminal ang mga batang mahuhuli kundi ipapasok ang mga ito sa reformative institutions upang maitama ang kanilang pagkakamali.

Hindi umano totoo ang sinasabi ng ilang tutol sa panukala na makukulong ang mga bata sa pag-amyenda na gagawin sa batas.

“For aged 9 years old up to 15 and who commits serious offenses,  there will be mandatory confinement at Bahay Pag-Asa but the court after one-year of program intervention undertaken for the child in conflict with the law has to decide whether the child is fit to re-integrated with his family and community,” ani Leachon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending