3 paslit nalunod sa fishpond

By John Roson January 23,2019
share this

3 paslit nalunod sa fishpond

By John Roson January 23,2019
share this

NALUNOD ang tatlong batang babae nang maligo sa isang fish pond sa Sta. Rosa City, Laguna, ayon sa pulisya Miyerkules.

Nakilala ang tatlo bilang sina Stephanie Cardena, 11; Cathy Macabuyoc, 10; at Alyza Urisantos, 11, ayon sa ulat ng Laguna provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-3 ng hapon Martes, pero Miyerkules ng umaga lang naiulat sa lokal na pulisya.

Naliligo ang mga bata sa fish pond, na nasa bakanteng lote sa Sitio Iran, nang malunod.

Itinakbo pa sila sa Sta. Rosa Community Hospital pero di na umabot nang buhay. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending