Mag-amo nanalo sa sabong, ninakawan, pinatay

By John Roson January 23,2019
share this

Mag-amo nanalo sa sabong, ninakawan, pinatay

By John Roson January 23,2019
share this

PATAY ang dalawang lalaki nang pagbabarilin at pagnakawan pa umano ng mga di pa kilalang salarin, sa loob ng kanilang kotse sa Meycauayan City, Bulacan, Miyerkules ng umaga.

Natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa loob ng puting Toyota Vios (AAL-7564) dakong alas-2, sabi ni Senior Supt. Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan provincial police.

Nakaparada ang kotse sa isang tindahan ng motor sa bahagi ng MacArthur Highway na sakop ng Brgy. Banga.

“Robbery so far ang sinusundan natin ,” sabi ni Bersaluna nang tanungin kung anong nakikitang motibo sa pagpatay.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Chief Insp. Alexander Dioso na pagnanakaw ang sinisilip na anggulo dahil may mga nawawalang gamit ang mga biktima.

Tumanggi muna si Dioso na pangalanan ang mga nasawi, pero sinabi na ang mga ito’y mag-amo na kagagaling lang sa sabungan.

Nanalo umano sa sabong ang dalawa, at may dalang pera nang umuwi, ayon sa isang ulat sa radyo.

“Umalis sila sa bahay para magsabong, nung pauwi na, tinambangan. May mga nawalang gamit sa kanila, pati yung bag na naglalaman daw ng pera,” ani Dioso. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending