Vice, Abueva balak na sanang magsama, pero…

By Julie Bonifacio January 23,2019
share this

Vice, Abueva balak na sanang magsama, pero…

By Julie Bonifacio January 23,2019
share this


HALATANG may pinagdadaanan na naman sa usaping puso si Vice Ganda. Kahit nagpapatawa siya sa mga show niya sa ABS-CBN, banaag sa kanyang mga mata ang lungkot na pilit niyang ikinukubli sa madlang pipol.

Unlike before, ang ngiti ni Vice sa labi tagos hanggang sa mata. Hawa ang lahat ng tao sa studio ng It’s Showtime nu’ng ang saya-saya niya at ibinabandera ang “closeness” nila ng PBA player na si Calvin Abueva. May pa-adobong luto pa si Calvin para sa mga kasamahan ni Vice sa programa.

Laging may pa-sunshine na tanong pa si Vice sa madlang pipol noon. But lately, wa na siya ask na para bang iniiwasan talaga niyang mabanggit sa show. Na-miss tuloy namin ang pagkanta ni Moira ng “You Are My Sunshine” na theme song ng movie nina Bela Padilla at Carlo Aquino na “Meet me in St. Gullen.”

Kaya sa final round ng Miss Q&A segment, nagandahan si Vice sa tanong at mukhang naka-relate siya.

Ang question kasi sa dalawang kandidata ay kung ano ang mahirap sagutin para sa isang pusong nasasaktan, ang bakit o ang paano?

Hurting pa rin kaya si Meme Vice sa naudlot na relasyon nila ni Calvin? Akala namin mauuwi rin sa kasalan ang pagmamahaan nina Vice at Calvin gaya ng ibang male couples.

May nakarating kasi sa aming balita na nagbabalak magpakasal o magsama na ang dalawa nu’ng kainitan ng kanilang relasyon. Anyare? But wait, di ba kasal pa rin si Calvin sa kanyang misis kahit nabalitang hiwalay na sila?

q q q

Hindi sinasadyang nakita namin ang most promising talent manager na si Maine Nadaya kasama ang kanyang napaka-talented artist na si Macoy Mendoza. Plano kasi ni Maine na isali si Macoy sa StarStruck ng GMA 7.

Ilang beses na naming napanood at narinig na kumanta ang gwapitong si Macoy every time may pa-event ang sikat na TV-radio host na si Kuya Jobert Sucaldito. In fairness, ang tataas ng mga song na kinakanta ni Macoy, huh!

Dapat talagang mapanood at makita ng mga Pinoy around the world ang husay ni Macoy sa pagkanta. Hopefully, makalusot siya sa talent show na bubuksan mui sa Kapuso Network.

Mukha namang seryoso si Macoy na magka-career sa showbiz. Todo-todo rin ang binibigay na suporta ng kanyang loving parents. At sa napakasipag niyang manager na si Maine, tiyak na magkakaroon siya ng mabungang singing career.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending