Ria naiyak nang ipagtanggol ang relasyong Maine at Arjo

By Reggee Bonoan January 23,2019
share this

Ria naiyak nang ipagtanggol ang relasyong Maine at Arjo

By Reggee Bonoan January 23,2019
share this


NAGING emosyonal si Ria Atayde nang mag-guest sa Tonight With Boy Abunda kamakalawa ng gabi lalo na nang matanong tungkol sa pamba-bash kay Arjo Atayde ng mga netizens dahil sa pagkaka-link nito kay Maine Mendoza.

Actually, hindi lang naman si Arjo ang binabastos at pinagsasalitaan ng masama ng mga fans nina Maine at Alden Richards kundi ang buong pamilya Atayde. May nagsasabing nakikisakay lang daw sina Arjo at Ria sa kasikatan ni Maine.

“At the end of the day I keep saying (sa bashers), you know it’s their lives. I get that we’re public figures but let us own our lives naman, di ba? Especially with him (Arjo), a lot of people sinasabi na his successes now have to do with her (Maine), I think that’s so unfair! He works so hard to get to where he is now!” naluluhang pahayag ni Ria.

“Basta kapatid mo, emosyonal ka?” tanong ni kuya Boy. “Super because I love him so much, eh,” sabi ng aktres.

Anyway, inamin ni Ria na si Maine ang isa sa nagpapasaya sa kapatid niyang si Arjo, “Yeah. It’s not kasi my story to tell as far as I know, they’re really getting to know each other atill and they’re friends. I met her, I like her, she’s very real!”

Tinanong muli si Ria na kung sakaling maging girlfriend ni Arjo si Maine ay sumagot kaagad ang dalaga kahit hindi pa tapos ang tanong, “I see no problem with that.

“Kami po kasi ni Arjo, we don’t really talk about our lovelife unless aakyat na (ang relasyon) to the next level or it’s about to end,” katwiran ng aktres.

Ipinaliwanag pa na kaya raw kay Arjo nagsasabi si Ria ay nakakaramdam siya ng sense of comfort na hindi niya nakukuha sa mga kaibigan niya.

Ganito ka-close ang magkapatid na Arjo at Ria kaya naman sobrang nasasaktan ang dalaga sa mga taong bumibira sa kanyang kuya.

q q q

Tungkol naman sa shooting ng digital TV series niyang High, hindi pala nagpaalam si Ria sa nanay niyang si Sylvia Sanchez na hindi siya gumamit ng harness nang mag-shoot sila sa isang mataas na gusali.

At sa takot ng production kaya binanggit ito kay Ibyang na agad namang pinuntahan ang anak sa location at pinagalitan.

Ipinakita sa video ang eksenang umakyat sa tuktok ng gusali ang aktres at sabay nag-selfie.

Ang pahayag ni Ria kaya ayaw niya ng harness, “Mahirap kasi pag may harness, hindi naman kaliitan ang hita ko di ba? So, mahirap sa pants. And my mom showed up on the set kasi nalaman nga niyang ayaw ko nga ng harness pero after the scene sabi ko, ‘Why are you here?’

“Siyempre kahit gustuhin ko man na… at the end of the day, I have to respect din the idea that they’re protecting my safety.”

Naikuwento rin ni Ria na simula nang pasukin niya ang showbiz ay nagkaroon na sila ng sense of understanding ng nanay niya, “We both know where we’re coming from.”

Kaya ngayon ay lubos nang naiintindihan ni Ria kung gaano ka-protective ang nanay niya dahil siya rin ay protective sa dalawang nakababatang kapatid na sina Gela at Xavi.

“I get it naman especially now with my two younger siblings, ako naman ‘yung sobrang protective sa kanila, eh,” sabi ng dalaga.

Samantala, maganda ang feedback mula sa mga nakapanood na ng High, kasama rin ni Ria rito sina Sammie Rimando at Marcus Patterson.

Ito ang unang TV series na napapanood ngayon sa Iwant sa direksyon ni Dondon Santos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending