Jung Hae In-Son Ye Jin muling magpapakilig sa bagong K-drama

January 23,2019
share this

Jung Hae In-Son Ye Jin muling magpapakilig sa bagong K-drama

January 23,2019
share this

KOREAN word of the week: “Annyeonghaseyo” – “How are you?” o “Hello” ito sa Ingles at “Kumusta ka?” naman sa Filipino.

q q q

Posibleng magsama uli ang mga bida ng hit Korean series na Something In The Rain sa bagong proyekto.

Ito’y matapos kumpirmahin ng ilang source na pinag-aaralan na ni Jung Hae In ang alok para maging male lead sa seryeng Spring Night. Nauna nang napaulat na inaalok din si Son Ye Jin para sa female lead sa upcoming series.

Sakaling tanggapin nina Hae In at Ye Jin, ito ang ikalawa nilang serye matapos silang magtambal noong 2018 sa Something In The Rain na kilala rin sa titulong Pretty Noona Who Buys Me Food.

Ang Something In The Rain nina Hae In at He Jin ang isa sa mga K-drama na siyang nagsimula ng kwento ng pag-ibig kung saan mas matanda ang babae. Matapos itong ipalabas, sinundan naman ito ng Encounter ng dalawang Korean superstar na sina Song Hye Kyo at Park Bo Gum kung saan mas matanda rin ang papel ng karakter ng una.

Ang Spring Night naman ay kuwento ng magdyowa na binalikan ang kanilang pinagdaanan matapos mapag-usapan ang pagpapakasal.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending