PINAYUHAN ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga komunidad sa palibot ng Mt Bulusan na maging alerto sa posibleng pagragasa ng lahar sa harap naman ng mga pag-ulan at pagbahang dulot ng bagyong Amang.
“Prolonged and heavy rainfall may cause excessive erosion of existing pyroclastic deposits in the upper slopes of Bulusan Volcano,” sabi ng Phivolcs sa isang advisory.
Idinagdag ng Phivolcs na posibleng dumaloy ang lahar sa mga ilog ng Bulusan sa timog silangan, timog kanluran at kanlurang silangan bahagi ng bulkan.
“Communities living near the volcano in Irosin and Juban towns may be affected by lahar flow,” dagdag ng Phivolcs.
Bago nito, inilikas na ang 20 pamilya mula sa Barangay Puting Sapa sa Juban noong Linggo dahil sa posibleng pagbahay at landslide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.