Gretchen hinamon ng fans ni Kris: Maglabas ka ng ebidensya!
HINAMON ng mga supporters ni Kris Aquino si Gretchen Barretto na maglabas ng ebidensya para patunayan na ginamit nga ng Social Media Queen ang kanyang “kapangyarihan” noong presidente pa ang kapatid nitong si Noynoy Aquino.
Mukhang “care bears” lang si Kris sa mga patutsada ni Gretchen dahil hanggang ngayon ay wala pa itong reaksyon hinggil dito.
Matindi ang mga binitiwang salita ni Greta laban kay Kris lalo na ang tungkol sa pagtulong diumano ng TV host sa isang Alice Eduardo para mapababa ang babayaran nitong sa tax sa Pilipinas na aabot sa milyon o bilyong piso.
Ilang fans ni Kris ang nagkomento na puro hearsay at sabi-sabi lang ang akusasyon ni Gretchen, dapat daw ay sinabayan na niya ito ng mga dokumento at iba pang ebidensya para mas maging kapani-paniwala siya.
Komento ng isang netizen, “Ang sabi ni Gretchen ipinagsa-shopping daw ng branded bags si Kris ng taong tinulungan niya sa tax Kung ganu’n ang character ni Kris, bakit tax ng ibang tao pa, bakit di na lang sa-riling tax niya ang dinaya niya? Tingin n’yo itataya ni Kris ang credibility nya kapalit ng mga bag?”
Ayon pa sa isang tagapagtanggol ni Tetay, “Mas maniniwala kami sa sawsawerang yan kung malinis syang tao at kung wala siyang bahid dungis sa katawan. Look who’s talking? No wonder ayaw siyang patulan ni Kris. And no wonder kung bakit kahit sarili niyang pamilya ay ayaw sa kanya.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.