Anak nina Marian at Dingdong 3 years old pa lang milyonarya na; may sariling bank account
TATLONG taong gulang pa lang ay siguradong milyonarya na ang anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia Dantes.
Ilang TV commercials at print ads na ang nagawa ng bagets kaya sure na sure kaming milyones na ang kinita ni Zia mula sa kanyang “pagtatrabaho.” Imagine, sa murang edad ay kumikita na nang limpak-limpak ang bata.
May bago na namang endorsement ngayon si Zia, ang Nido 3+ kasama ang kanyang Mama Marian. Magkasamang humarap ang mag-ina sa presscon ng nasabing brand ng gatas kamakailan at talaga namang agaw-eksena ang kabibuhan at kakyutan ni Zia.
Sa nasabing event naikuwento ni Marian na lahat ng talent fee ng kanilang anak sa mga ginawa nitong endorsements ay diretso agad sa sarili nitong bank account.
“Lahat ng ini-endorse niya, nakalagay sa bangko. May sarili siyang account. Siyempre siya ‘yung naghirap nun, kanya ‘yun. Sabi ko nga, kapag 18 years old na siya, ibibigay namin ‘yun sa kanya,” pahayag ng Kapuso TV host-actress.
Sey pa ni Marian, alam ni Zia na trabaho ang ginagawa nila sa tuwing nagsu-shoot sila ng commercial, “Sabi ko, ‘Anak, magwo-work tayo.’ Sabi niya, ‘So Mama if I have work, I have money? If I have money, I will buy you shoes.’”
Iba raw talaga ang saya ng pagiging ina lalo pa’t malapit na rin niyang isilang ang second baby nila nila Dingdong, “Nakakatuwa lang kasi very vocal siya. Kagabi, antok na antok ako tapos nakatingin siya sa akin.
“Sabi niya, ‘Mama, thank you. You know what, Mama? You’re the best mom ever!’ Nagising tuloy ang diwa ko. ‘Yun talaga ang reward ng pagkakaroon ng anak,” aniya pa.
Ipinagdiinan naman ng Kapuso actress na papayagan lang nilang mag-artista si Zia kapag nakatapos na ito ng pag-aaral.
“Sinama ko siya sa Sunday PinaSaya. Sabi niya, ‘Mama I want to see myself on TV.’ Sabi ko, ‘Huwag ka nang sumama sa ‘kin,’” bahagi pa ng kuwento ni Marian tungkol kay Zia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.