Buboy kay Manny: Patumbahin agad si Broner | Bandera

Buboy kay Manny: Patumbahin agad si Broner

|January 16,2019
facebook
share this

Buboy kay Manny: Patumbahin agad si Broner

- January 16, 2019 - 09:25 PM

KUNG si chief trainer Buboy Fernandez ang tatanungin mas gusto niya na tapusin agad ng kanyang matalik na kaibigan na si Manny Pacquiao ang laban kay Adrien Broner sa kanilang World Boxing Association (WBA) welterweight title fight ngayong Linggo (PH time) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada, USA.

Sinabihan kasi ni Fernandez si Pacquiao bago sila umalis patungo ng Las Vegas na kung may pagkakataon dapat ay tapusin na niya agad ang laban at huwag magpakita ng awa kay Broner.

Sinabi pa ni Fernandez, na magsisilbing chief trainer sa ikalawang sunod na laban ni Pacquiao, na hindi na dapat magpakita ang Pinoy boxing superstar ng awa sa kalaban tulad ng ginagawa niya sa mga huling laban.

Magmula kasi ng maging born-again Christian si Pacquiao napansin ng karamihan na naging maawain ito sa mga kalaban na nagresulta ng siyam na taon na tagtuyot sa knockout panalo.

Nagwakas naman ito noong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia nang patumbahin ni Pacquiao si Lucas Matthysse ng Argentina sa ikapitong round na nagresulta para muling sumikat sa mundo ang Pinoy boxing star.

Si Broner ay hindi pa nakakatikim ng knockout magmula nang tumumba sa kamay ni Marcos Maidana noong 2013.

Dinagdag pa ni Fernandez na kapag tumama agad ang mga suntok ni Pacquiao matatapos ang laban sa ikaapat na round.

Naniniwala rin si Fernandez na kahit 40-anyos na si Pacquiao kaya pa rin nitong talunin si Broner, na bumibitaw din ng maraming suntok at kilalang counter-puncher.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending