BUMUHOS ang simpatya at dasal para kay Loisa Andalio matapos mag-post ng mensahe tungkol sa sakit na “alopecia”. Hindi diretsong sinabi ng dalaga kung meron siya nito pero maraming fans ang nag-alala para sa kanya.
Tweet ni Loisa, “Alopecia, also known as spot baldness, is a condition in which hair is lost from some or all areas of the body. Often it results in a few bald spots on the scalp, each about the size of a coin. Psychological stress may result. People are generally otherwise healthy.”
Sunud-sunod ang reply ng kanyang mga followers sa Twitter at nagsabing magpakatatag siya at magdasal. May mga nagpayo rin sa aktres kung paano niya lalabanan ang nasabing kundisyon.
Comment nga ni @ISAY_loiyal, “Avoid toxic people or environment. Eat healthy foods. Seek help from doctors/specialists. Undergo therapy. Do not self-medicate. Do not always trust GOOGLE posts about certain medications. And of course, PRAY. It helps.”
Ito naman ang napansin ni @singKEEITH, “Kaya ba hindi ka pa kamo pwede magiba hairstyle at magpakulay ng buhok? Health is wealth, love. Grab mo every chance na makakapagpahinga ka. Pag wala ganap magpahinga agad. Wag na masyado magpuyat sa ML. Not sure pero nagkaspot baldness na rin si meme vice.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.