19 lugar sa bansa pinangalanan bilang posibleng election hotspots
PINANGALANAN ng Philippine National Police (PNP) ang 19 na lungsod at munisipalidad na posibleng isailalim sa election hotspot sa paparating na midterm polls sa Mayo.
Sinabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na pito sa mga lugar ang kumpirmadong matindi ang away politika, talamak din ang problema sa New People’s Army (NPA) at iba pang armadong grupo.
Hindi naman pinangalanan ni Albayalde ang pitong lugar.
Kabilang naman sa 19 na lugar na posibleng isailalim sa election hotspots ay ang mga sumusunod:
Sudipen at Balaoan sa La Union
Jones sa Isabela
Lemery sa Batangas
Roxas sa Oriental Mindoro
Balud at Dimasalang sa Masbate
Daraga sa Albay
Pagadian sa Zamboanga del Sur
Cagayan de Oro City sa Misamis Oriental
Hadji Mohammad Ajul, Lantawan, at Tipo-Tipo sa Basilan
Marawi City af Sultan Dumalundong sa Lanao del Sur
Mamasapano, Shariff Aguak, Shariff Saydona Mustapha, at Datu Unsay sa Maguindanao
“We just have to consolidate our troops… or re-deploy our personnel particularly [those] coming from the police regional mobile groups,” sabi ni Albayalde.
Nauna nang sinabi ni Commission on Elections chairman Sheriff Abas na nakatanggap na ng rekomendasyon ang Comelec para isailalim ang Daraga, Albay at Cotabato City sa ilalim ng kontrol ng poll body,
Ito’y matapos naman ang pagpatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe at kanyang police escort SPO2 Orlando Diaz at ang nangyaring pagsabog sa Cotabato City kung saan dalawa ang nasawi at 34 pa ang nasugatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.