Gretchen walang karapatang akusahan si Kris ng pambu-bully: Bakit siya ba malinis? | Bandera

Gretchen walang karapatang akusahan si Kris ng pambu-bully: Bakit siya ba malinis?

Ronnie Carrasco III - January 12, 2019 - 12:25 AM


THERE’S a lot that the public knows about Kris Aquino and Gretchen Barretto. Mga personal nilang buhay, fascination for branded stuff, even—let’s face it—ang kanilang pagiging so-so actress.

Hindi naman kasi nagkakalayo ang level nila sa pag-arte, both are visibly conscious sa kanilang mga hitsura na hindi puwedeng magrehistro ng pangit on screen.

Sa hanay ng mga female celebrities, there seems a silent competition between Kris and Gretchen as if naman ang paligsahan nila sa kung sino ang mas sosyal is what defines a person’s character.

Kamakailan, inungkat muli ni Kris sa kanyang presscon ang reklamo laban sa dating business partner na umano’y nanloko sa kanya. In return, isiniwalat naman ng idinemandang tao ang umano’y atraso sa kanya ni Kris, worse, the latter’s alleged threat na ipapapatay siya nito once he returned in the country.

Clearly, it was a case of “she says-he says” kung saan parehong inilatag ng dalawang partido ang kanilang panig.

Just when the public—and the courts—was focused on the case, enter frame si Gretchen out of nowhere. Apparently, nakikisimpatya siya sa idinemanda ni Kris based on his statement.

“No to bullies and power tripping” ang sigaw ni Gretchen sa kanyang social media account. Instantly, Kris was quick to retaliate with her admission na hindi pala talaga sila on good terms ni Gretchen, but as far as she knows ay sinuportahan nito ang kanyang inang si Cory Aquino against the Marcoses noong 1986.

When two people—and in this case, dalawang showbiz celebrities na kilala natin ang likaw ng mga bituka—sino kina Kris at Gretchen ang dapat umani ng pang-unawa?

Between Kris and Gretchen, who’s more credible na mas higit dapat paniwalaan?

Comments are ambivalent, as expected. May sumasang-ayon kay Gretchen as there are also unfavorable responses to what appears to be nothing but an act of pakikisawsaw sa isang isyung wala naman siyang kinalaman.

Ipagpalagay kasi natin—for the sake of argument—that Kris is a bully and a power tripper, mas maiintindihan pa namin kung ang nag-react ay isang kapwa aktres na walang bahid sa kanyang pagkatao, but Gretchen?

This doesn’t mean though na credible si Kris vis a vis the accused person. We will not discount ‘yung posibilidad na nakapagbitiw siya ng ganu’ng salita sa taong umano’y nangdenggoy sa kanya, na kung tutuusi’y wala na naman siyang dapat ipagmalaki sa panahong wala na sa puwesto ang kuya niya.

What power to wield is Kris talking about? Dahil kung may kapangyarihan siyang ipinagmamalaking magpapatay, mas dapat muna niyang buhayin ang TV career niya, ‘di ba?

Between Kris and Gretchen, wala sa kanila deserves an ounce of attention. Sorry but it has a lot do with the public image na kapwa nila ipinundar.

They’re one and the same. Ayaw ng Venezuelan capital ng ganyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Caracas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending