P15M halaga ng marijuana nakumpiska sa Subic

January 11,2019
share this

P15M halaga ng marijuana nakumpiska sa Subic

January 11,2019
share this

NI-RAID ng Philippine Drug Enforcement Unit ang isang laboratoryo ng marijuana sa Subic, Zambales kung saan nakumpiska ang P15 milyong halaga ng marijuana.

Sinabi ni Gil Pabilona, PDEA Central Luzon director, na nadiskubre nila ang laboratoryo sa Magdalena Subdivision, Barangay Sto. Tomas, sa bahay na inuupahan ng British national na si Simon Watson, 44, at live-in partner na si Rizza Fernandez, 28.

Nasa dalawang magkahiwalay na silid ang nakumpiskang mga tanim na marijuana, ayon kay Senior Superintendent Rommel Batangan, chief ng Regional Police Drug Enforcement Unit 3. 

Naaresto rin ang mag-live in partner.

Sinabi ni Pabilona na tumitimbang ang nakumpiskang marijuana ng 10 kilo. 

Ani Mayor Jay Khonghun, isinailalim ang mga suspek sa surveillance matapos makatanggap ng impormasyon ang mga otoridad. Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending