Horoscope, January 11, 2019

By Madam Sophia January 11,2019
share this

Horoscope, January 11, 2019

By Madam Sophia January 11,2019
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2019 kung laging magsusuot ng kulay na dilaw may kakaibang siglang mangingibabaw! Sa pinansiyal, maraming salapi ang matatanggap. Sa pag-ibig, muling mabubuo ang isang mas masayang relasyon. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim-Shaddai.” Blue at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Simulan ang taong ito ng 2019 ng may malinis na puso. Patawarin ang mga taong sayo’y nagkasala. Sa ganyang paraan, biglang madodoble ang kita. Sa pag-ibig, kalimutan na ang pagkakamali ng kasuyo upang maging happy uli ang relasyon. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om.” Orange at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Wag magpabago-bago ng isip ngayong 2019. Sa pinansiyal, biglaang desisyon at aksyon agad ang dapat. Sa pag-ibig, wag babagal-bagal, sa taong ito ng Baboy sa sandaling nagpakita ng motibo ang kasuyo, sunggab agad! Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Lilac at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Iwasan ang bisyo! Sa pag-ibig, mahalin ang kasuyo gayon din ang sarili! Panatiliing malusog ang katawan, upang hindi na gumastos ng malaking halaga sa pagpapa-ospital at pambili ng mamahaling gamot. Mapalad ang 5, 18, 23, 37, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Gayatri-Om.” Red at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Sa taong ito ng 2019 ingatan ang kalusugan! Kumain ng maraming gulay at regular na mag-ehersisyo! Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo na mag-gym o kaya’y mag-bike. Nakapag-exercise na kayo naging sweet pa ang samahan. Mapalad ang 2, 10, 19, 28, 31, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at beige ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Ang Bagong Taon na ito ang pinaka-mabuting simula upang limutin na ang kahapon. Sa pinansiyal, tapos na ang pagkalugi, paparating na ang maraming salapi. Sa pag-ibig, magbagong buhay na ngayon! Mapalad ang 4, 13, 22, 28, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitra-Dosya-Om.” Yellow at white ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Negosyong may kaugnayan sa kumunikasyon ang iaalok ng isang kaibigan, upang kumita ng malaking halaga – sunggab agad! Sa pag-ibig, may magte-text, ang dating kasuyo – na mi-miss ka na nya, pagbigyan ang alok na pamamasyal. Mapalad ang 6, 18, 23, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Gray at yellow ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa taong ito ng 2019 sa pinansiyal, may bagong pagkakakitaang matutuklasan. Sa pag-ibig, isang tigang na Aries ang magpapapansin – sunggaban mo agad! Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhuvah-Om-Bhanah.” Red at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — “Positive thinking” ang kailangan sa taong ito ng 2019. Sa negosyo, laging isiping: “Kikita ako ng malaking halaga!” Makikita mo, yon nga ang mangyayari! Sa pag-ibig, wag mag-isip ng masama sa kasuyo, ang totoo mahal na mahal ka nya! Mapalad ang 6, 17, 23, 25, 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum!” Violet at magenta ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Hindi dapat magmadali sa taong ito ng 2019. Mag-plano bago kumilos! Sa pinansiyal, siguraduhin may feasibility study ang papasuking negosyo bago maglabas ng pera. Sa pag-ibig, ngayon palang ipadama na ang mga bagay na nagpapaligaya sa kasuyo. Mapalad ang 6, 9, 23, 29, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Govinda-Om.” Blue at gray ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa taong ito ng 2019 , konting higpit sa salapi ang kailangan upang mas mabilis na makaipon. Sa pag-ibig, imbis na ipanood ng sine, yayain ang kasuyo sa tahimik na silid at doon kayo maglambingan. Mapalad ang 4, 16, 22, 29, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Shati-Om-Pad-Me-Om.” Orange at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa taong ito ng 2019 wag hayaang manaig ang damdamin! Sa pinansiyal, upang kumita ng malaking halaga, utak ang gamitin. Sa pag-ibig, sa sandaling naging emosyonal, muli na namang papatak ang luha. Mapalad ang 1, 10, 27, 33, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Mohan-Karan-Om.” Green at black ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Mapapasayo ang tagumpay sa taong ito ng 2019, basta’t ikilos mo lang ang anomang balakin sa isipan. Sa negosyo, aksyon agad ang dapat. Sa pag-ibig, hindi ka magiging maligaya kung laging may takot sa puso! Ang pagiging matapang ang susi upang lumigaya. Mapalad ang 4, 19, 29, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Harim-Om-Haram.” Pink at lilac ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending