DFA Sec. Teddy Locsin kumampi kay Kris, resbak sa haters: Inggit lang sila! | Bandera

DFA Sec. Teddy Locsin kumampi kay Kris, resbak sa haters: Inggit lang sila!

Ervin Santiago |January 09,2019
facebook
share this

DFA Sec. Teddy Locsin kumampi kay Kris, resbak sa haters: Inggit lang sila!

Ervin Santiago - January 09, 2019 - 05:43 PM

TEDDY LOCSIN, JR.

ILANG celebrities ang nagpaabot ng kanilang mensahe ng pagsuporta kay Kris Aquino sa gitna ng kinakaharap nitong pagsubok sa kanyang kalusugan at sa “legal battle” nito laban sa dating business partner.

Nasa Singapore ngayon ang Social Media Queen para sa serye ng medical tests and evaluation hinggil sa mga sakit na pinaglalabanan niya ngayon, kabilang na ang kanyang severe allergy.

Sa kanyang Instagram account, sunud-sunod ang ipinost niyang updates tungkol sa kanyang health issues. Isa sa mga nagpapalala sa kundisyon ni Kris ngayon ay ang stress dulot ng kasong isinampa niya laban kay Nicko Falcis, ang dating managing director ng digital company niyang Kris C. Aquino Productions (KCAP).

Itinanggi naman nito ang mga akusasyon ni Kris at sinabing wala siyang ninakaw sa kaban ng KCAP.

Sa gitna ng mga labang ito ng mommy nina Joshua at Bimby, ilang kaibigan ni Kris sa mundo ng showbiz ang matapang na nagpakita ng suporta sa kanya, kanilang na sina Lolit Solis, Department of Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin Jr., Kim Chiu at Angel Locsin.

Ipinost ni Lolit Solis sa Instagram ang pagtatanggol niya kay Kris, “One thing I can say, hindi si Kris ang tipo na magbibintang ng basta-basta, to put one down, kaya pag sinabi niya sure ako lalo at sensitive na issue na tutoo iyon bintang niya. I will always stand by my belief na wala siyang mean bones.”

Mas matapang naman ang mensahe ni Teddy Locsin sa kanyang tweet, “People against Kris are just fucking envious of her wealth, her looks, her work ethic—she never stops working, her success and her pedigree. Period.”

Nagpasalamat naman si Tetay sa kalihim ng DFA, “As always come what may, you have my back. Thank you but this time as DFA Secretary- no need Teddyboy. You gave me 40+ years of true friendship.”

Ito naman ang message ni Angel para sa Queen of All Media, “Ate kayang-kaya mo yan marami ka nang kinaya, di ba? Nandito lang kami, nagdarasal na bumuti na ang pakiramdam mo.”
Ilan pa sa mga nagpakita ng suporta kay Kris ay sina Kim Chiu, Sunshine Cruz, Angeline Quinto, Lorna Tolentino at K Brosas.

KRIS AQUINO

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending