E-mail, Instagram ni Rufa Mae na-hack: Guys baka may manghingi ng pera sa inyo, report n’yo agad
BINALAAN ni Rufa Mae Quinto ang kanyang mga kaibigan at social media followers sa posibleng “scam” na gagawin ng mga sindikato sa internet gamit ang kanyang pangalan.
Ito’y matapos malaman ng komedyana na na-hack ang kanyang e-mail at Instagram accounts.
Mula sa kanyang profile name na “rufamaequinto”, binago ito ng hacker at pinalitan ng “girlprobszzs”. Pati ang kanyang profile picture ay pinalitan ng isang animated character.
Ilang saglit lang ay binago uli ng hacker ang kanyang profile name at ginamit ang “animalloverssz” bilang username.
“Na-hack na account ko sa Instagram and e-mail account ko. Hindi ako yun, kung sakaling makatanggap kayo [ng] message from my IG account,” pahayag ni Rufa Mae sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.
“E Di mag simula ulit, guys yes na hack ang IG ko na may 801k followers ng poser na @imrufamaequinto pls block and report it. Salamat! Pati email address ko na hack na din nya.
“Kaya inipon ko kayong lahat followers, lahat kayo sinagot ko isa-isa… still trying to recover my instagram acct. guysh ano gagawin ko?
Nakiusap din ang Kapamilya comedienne sa kanyang followers na i-block agad at i-report ang kanyang hacked account na may mahigit 800,000 followers na.
Gumawa ng temporary account si Rufa Mae na may username na “rufamaemagallanes” at umaasa pa rin daw siya na maibabalik ang na-hack niyang account.
“Ito yung bago kong account hanggant Hinde manretrieve my instagram account username rufamaequinto.
Nakakatakot baka mag message sa akin mga followers ko na 801k at manghingi ng pera, wag po kayong maniwala. Report nyo agad ito pls thanks.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.