Social media malaking dahilan ng depresyon | Bandera

Social media malaking dahilan ng depresyon

Leifbilly Begas - January 07, 2019 - 08:00 AM

KUNG isa kang babae at madalas ka sa social media, mas mataas ang tsansa mo na ma-depressed.

Ayon sa pag-aaral, mas tumataas ang depresyon ng mga babae dahil sa paggamit ng social media.

Halos 11,000 kabataan sa Britanya, sa ginawang pag-aaral, lumalabas na ang depresyon ay dulot ng online harassment at kakulangan sa tulog, mababang self esteem at hindi magandang pa-ngangatawan.

Ang edad 14 umano ang itinuturing na heavy user ng social media at two-third sa mga ito ang gumagamit ng social media ng mahigit tatlong oras kada araw.

Lumalabas na 40 porsyento ng mga babae at 25 porsyento ng mga lalaki ang nakaranas ng online harassment o cyber bullying, 40 porsyento naman ng mga babae at 28 porsyento ng mga lalaki ang naaapektuhan ang pagtulog dahil sa paggamit ng social media.

Nais ng mga researcher na gamitin ng gobyerno ang datos na kanilang nakuha upang mas maging ligtas ang paggamit ng social media at hindi ito lubusang makaapekto sa isang tao.

Ang research ay pinondohan ng UK Economic and Social Research Council at nailathala sa EClinicalMedicine.

Sa Pilipinas, isang pag-aaral ang isinagawa noong 2017 kung saan lumalabas na ang online bashing ay isa sa mga factor na nakakaapekto upang ma-depress ang isang tao at mag-isip na magpakamatay.

Ayon sa World Health Organization, mula 2005 hanggang 2015 ay tumaas ng 18 porsyento ang mga taong nakaranas ng depression.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending