Website, socmed accounts ng CNN PH burado na

Website, socmed accounts ng CNN PH hindi na mahagilap, burado na

Pauline del Rosario - February 01, 2024 - 12:35 PM

Website, socmed accounts ng CNN PH hindi na mahagilap, burado na

TATLONG araw matapos ang tigil operasyon, burado na ang website at social media platforms ng Television broadcast network na CNN Philippines.

Inisa-isa ng Bandera ang accounts ng nasabing TV network at talaga ngang “inaccessible” na lahat.

Kabilang na riyan ang kanilang Facebook, Instagram, Twitter, at YouTube accounts.

Kumalat din sa social media ang isang litrato kung saan giniba na ang ilang lugar sa kanilang opisina sa Mandaluyong City.

Makikita sa picture na tinanggal na ang mga lamesa, upuan at pati mga computer.

Pati mga kable ay isa-isa na ring inaalis.

Caption ng uploader at empleyado ng CNN Philippines, “It’s a wrap…”

Baka Bet Mo: Andrei Felix nagpaalam na sa CNN PH: ‘Pasensiya na sa lahat ng kinulit ko’

Noong January 29 nang opisyal nang inanunsyo ng nasabing free-to-air television network ang kanilang pagsasara. 

“CNN Philippines will discontinue operations on all media platforms effective Wednesday, Jan. 31,” sey sa Facebook post.

Kasabay niyan ay lubos nilang pinasalamatan ang lahat ng staff, partners, at viewers na tumangkilik at sumuporta sa broadcast company sa loob ng siyam na taon. 

“To our staff, we thank you for your commitment and dedication,” saad ng CNN Philippines.

Mensahe pa, “To our partners, including CNN Worldwide/Turner Broadcasting Corp., we are grateful for your support.”

Ang dahilan ng shutdown ng TV network, nagkaroon ng financial struggles kung saan nalugi ito ng mahigit P5 billion.

Halos 300 na mga empleyado ang nawalan ng trabaho.

Ayon sa naging interview ng INQUIRER.net sa isang opisyal ng nasabing TV network, December last year pa nang napagdesisyunan na hindi na itutuloy ang operasyon nito. 

Pero, aniya, pinasapit na muna nila ang Kapaskuhan bago sila mag-anunsyo. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We didn’t want to ruin our employees’ Christmas,” sey ng source. 

Taong 2015 nang unang umere ang CNN Philippines matapos maka-secure ang Nine Media Corp. ng licensing deal. 

Ang Nine Media ay kabilang sa mga kumpanya sa ilalim ng ALC Group of Companies na kinabibilangan ng iba pang media entity tulad ng Business Mirror, Philippine Graphic, Pilipino Mirror, Aliw Channel at Cook Magazine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending