‘Probinsyano’ gamit na gamit ni Lito Lapid sa pagbabalik-politika?
URBAN legend or showbiz myth?
Kuwento tungkol sa isang sikat na action star na bantulot noon na sumabak sa politika. Humihingi siya ng advice mula sa isang kababayang reporter.
May agam-agam kasi ang sikat na action star dala na rin ng kawalan niya ng sapat na edukasyon, considering na ang puwestong nais niyang sungkitin ay kinabibilangan ng mga taong may utak.
“Grade IV lang ang tinapos ko. Tapos, labandera lang ang nanay ko noon,” pag-amin ng action star tungkol sa kanyang payak na background.
Gayunpaman, kung ano ang kakulangan ng action star ay bumawi naman siya sa aspeto ng pagiging sikat.
In fact, mula sa pinakamataas na puwesto sa lokal ay naging pambansang mambabatas siya.
Ilantad na natin ang “da who?” na ito bilang si Lito Lapid.
Sa mga kaedaran naming tumatangkilik noon ng mga hardcore action films. Si Lito na nagsimula bilang stuntman ang pangunahing katunggali ni Dante Varona during their bida days.
Sa usapin naman tungkol sa lovelife, si Lito ang nakadagit sa puso ni Melanie Marquez with whom he has a child.
Sa larangan ng politika, bago nahalal bilang senador ang tubong-Porac na si Lito he held a gubernatorial post in his native Pampanga.
Bilang aktor, Lito has leveled up. Nabibilang kasi siya sa mangilan-ngilang aktor identified with slambang movies who can act. To this day, bitbit ni Lito ang husay sa pagganap, his exposure in FPJ’s Ang Probinsyano to say the least.
A laughing stock at the Se-nate noong kapanahunan niya, wala ring panukalang batas na si Lito ang may-akda ang nagmarka sa amin. Bluntly put, ano naman kasi ang panama ni Lito vis a vis his more learned colleagues?
Ngayong darating na eleksiyon, muling makikipagsapalaran si Lito sa Senado, kinakapital niya bukod sa kanyang pangalan ang kanyang mabait na papel na ginagampanan sa Ang Probinsyano.
In the same breadth, Senado rin ang muling puntirya ng mga dati ring Senador na sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla. Tulad ni Lito, both Jinggoy and Bong portray goody-goody roles on screen.
Theirs is a combined constituency na sobra-sobra ang bilib sa kanila, too much is expected of them sa aspeto ng paglilingkod nang wala ni bahid ng katiting na korupsiyon. Yes, sa kabila ng mga kinakaharap nilang kaso on thievery, in the eyes of their supporters ay malinis sila.
Si Lito Lapid, si Bong Revilla, si Jinggoy Estrada…ilan lang sila sa mga screen heroes who—for all we know—will make it to the Top 12.
God bless this nation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.