Hugot ng nanay ni Tony Labrusca: It's sad that people love fake news | Bandera

Hugot ng nanay ni Tony Labrusca: It’s sad that people love fake news

Ervin Santiago - January 04, 2019 - 08:11 PM

SUNUD-SUNOD ang mga makahulugang mensahe na ipinost ng nanay ni Tony Labrusca na si Angel Jones na may konek sa “fake news”.

Walang diretsang pinatamaan o tinukoy ang host-model sa kanyang mga tweet pero ang paniwala ng mga netizens, may kinalaman ito sa kontrobersyang kinasangkutan ngayon ni Tony.

Inakusahan kasi ang Kapamilya hunk actor na nanigaw at nagmura diumano sa harap ng immigration officers sa NAIA Terminal 1 nang hindi siya mabigyan ng Balikbayan visa sa pagbabalik niya sa Pilipinas nitong nagdaang Huwebes.

Tila kinuwestiyon pa nito kung bakit 30 days lang ang ibinigay sa kanya ng Immigration para mag-stay sa bansa. At dahil dito, isang netizen ang matapang na nag-post sa social media ng tunay na nangyari sa airport kung saan pinatotohanan nga nito ang pag-iiskandalo umano ni Tony sa NAIA.

Narito naman ang mga tweet ni Angel, “Everyone will always have something to say no matter what you do. Can’t please them all.”

Nasundan pa ito ng kanyang hugot lines tungkol sa mga nagkalat na fake news. Aniya, huwag daw basta maniwala sa mga nababasa at napapanood sa social media lalo na ang mga paninira sa mga taong nagsisikap para magkaroon ng magandang buhay.

“It’s sad that people love fake news and enjoy hating people that do well,” tweet pa ng nanay ni Tony.

“You can tell a lot about a person based on the gossip they listen to and stories believe,” dagdag pa niya.

Maraming kumampi kay Angel Jones at nagsabing magpakatatag sila ni Tony dahil bahagi ng showbiz ang ganitong mga issue. May mga magpayo rin sa mag-ina na dedmahin na lang ang issue dahil lilipas din ito.

Isang netizen naman ang nag-comment na huwag daw sanang kunsintihin ni Angel ang anak dahil mali naman talaga ang ginawa nito. Sana raw ay tularan nito ang ginawa ng tatay ni Tony na si Boom Labrusca na agad humingi ng paumanhin sa insidente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending