DOLE sa employer: Sundin tamang pasahod sa Enero 1
PINAALALAHANAN ng labor department ang mga employer na sundin ang tamang pagbabayad ng sahod sa mga manggagawa at empleyado na nagtrabaho ng Bagong Taon, Enero 1, na isang regular holiday.
Alinsunod sa Proclamation No. 555 na inilathala ni Presidente Rodrigo Roa Duterte noong Agosto 15, 2018, inilabas ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Labor Advisory No. 21, na nagtatakda ng patakaran sa tamang sahod sa nasabing araw.
Dapat sundin ng mga employer ang mga sumusunod na patakaran sa pagbibigay ng sahod:
Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, tatanggap siya ng 100 porsiyento ng kanyang suweldo para sa nasabing araw ([Basic wage + COLA] x 100 percent); gayunpaman, kung nagtrabaho ang empleyado sa nasabing araw, babayaran siya ng 200 porsiyento ng kanyang suweldo para sa araw na iyon para sa unang walong oras ([Basic wage + COLA] x 200 percent).
Dagdag pa rito, kung nagtrabaho ang empleyado ng mahigit sa walong oras (overtime work), babayaran siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita para sa nasabing araw (hourly rate of the basic wage x 200 percent x 130 percent x number of hours worked).
Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng regular holiday at ito rin ang araw ng kanyang pahi-nga, babayaran siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang arawang sahod na 200 porsiyento [(Basic wage + COLA) x 200 percent] + [30 percent (Basic wage x 200 percent)].
Dagdag pa rito, kung ang empleyado ay nagtrabaho ng higit sa walong oras (overtime work) sa nasabing regular holiday at ito rin ang araw ng kanyang pahi-nga, babayaran siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita sa nasabing araw (hourly rate of the basic wage x 200 percent x 130 percent x 130 percent x number of hours worked).
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.