Jo Berry walang inuurungang laban ng buhay | Bandera

Jo Berry walang inuurungang laban ng buhay

|December 31,2018
facebook
share this

Jo Berry walang inuurungang laban ng buhay

- December 31, 2018 - 12:10 AM

“Isinusumpa ko! Babawiin ko ang anak ko sa ‘yo!” Yan ang ipinagsigawan ni Jo Berry bilang si Onay nang sugurin niya ang bahay ni Helena (Cherie Gil) sa nakaraang episode ng Onanay.

Talagang palaban at walang inuurungang laban ang small but terrible na Kapuso actress, tulad din ng ginagawa niya sa tunay na buhay. Kahit na mahirap, pilit na nagsasakripisyo si Jo para mabigyan ng magandang future ang pamilya.

Aniya, ngayong nasa showbiz na siya, gagawin niya raw ang lahat para magtagal sa mundong nagbigay sa kanya ng pag-asa sa kabila ng kanyang mga kakulangan. Kaya nga sa bawat eksena niya sa Onanay ay talagang ibinibigay niya ang lahat-lahat.

Ngayong alam na niya na si Natalie (Kate Valdez) ang nawawala niyang anak na itinago sa kanya ni Helena, binantaan niya ito na babawiin niya ang lahat ng nawala at i-nagaw sa kanya. Tutukan lahat yan sa Onanay sa GMA Telebabad after Cain At Abel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending