PH naagawan ng 'titulo' ng Thailand | Bandera

PH naagawan ng ‘titulo’ ng Thailand

Leifbilly Begas |December 30,2018
facebook
share this

PH naagawan ng ‘titulo’ ng Thailand

Leifbilly Begas - December 30, 2018 - 07:15 PM

NAWALA man sa Pilipinas ang pagiging unang bansa sa South East Asia na ginawang legal ang marijuana, hindi pa umano huli ang lahat upang mapakinabangan ang benepisyo nito.

Ayon kay Isabela Rep. Rodito Albano, ang may-akda ng Medical Cannabis bill sa Kamara de Representantes, ginawa ng legal ng Thailand ang medical marijuana.

“Sayang, tayo dapat ang nauna,” ani Albano. “It’s a lost opportunity. Ang daming Amerikano na gustong mag-invest, ngayon sa Thailand sa sila pupunta.”

Sinabi ni Albano na ang pagiging legal ang marijuana ay inaasahang magpapalakas sa medical tourism ng Thailand.

Nauna sa Thailand ay ginawa na ring legal ng South Korea ang paggamit ng marijuana sa panggagamot.

Sa kasalukuyan marijuana ay ipinagbabawal katulad ng shabu, cocaine at heroin.

Iginiit ni Albano na mananatiling iligal ang paggamit ng marijuana para sa kasiyahan at ang tanging papayagan ay ang paggamit nito ng mga partikular na pasyente na hindi na kaya ng gamot ang mga kondisyon.

“This is not for recreation, it’s for medical purposes,” dagdag pa ni Albano. “For this reason, the bill provides for control measures and regulation on the medical use of cannabis to ensure patient’s safety and for effective and efficient implementation of the Act.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending