KMJS ng GMA babalikan ang viral, trending isyu ng 2018 | Bandera

KMJS ng GMA babalikan ang viral, trending isyu ng 2018

|December 30,2018
facebook
share this

KMJS ng GMA babalikan ang viral, trending isyu ng 2018

- December 30, 2018 - 12:25 AM


SA taong ito, walang duda, ang sigaw ng buong Pilipinas tuwing Linggo ng gabi…i-KMJS na yan!

Kaya bago matapos ang 2018, babalikan ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang ilang istorya nito na talaga namang pinag-usapan at naging trending!

Muling maantig sa istorya ng Belgian national na si Caroline Van Gils na hinahanap ang Pilipinang inang nagpaampon sa kanya mahigit tatlong dekada na ang nakakaraan.

Maninindig muli ang inyong balahibo sa misteryosong batuhan ng bato sa Cabanatuan na nagpakontrobersyal sa nagsiyasat ditong paranormal investigator – si Ed Caluag.

Pasyalan din uli ang napakagandang isla ng Balabac sa Palawan.

Kung travel goals naman ang hanap, muling balikan ang biyahe ng KMJS sa Iceland! At siyempre, pwede muling sumama sa paglipad ng KMJS team sa Turkey!

Abangan lahat ng iyan sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo, Dece. 30, sa GMA 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending