MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. May gusto lang po ako na itanong. Ask ko lang po kung sakop din po ba ng labor ang mga pakyawan na trabaho or on call.
Ako po ay nagtatrabaho sa isang Chinese company na colorum. Nagbababa po kami ng mga container van. Matagal na po kami sa trabaho sa kompanya nila.
Ngayon lang po nangyari sa amin na hindi po kami tinawagan ng kompanya para magtrabaho pero meron po ng diskarga ng container van at ipinagawa nila sa iba ang dapat na trabaho para sa amin.
Wala po kaming bayad sa arawan. Per container van po ang sahod namin.
Paano po kami makakasahod kung wala po kaming maibababa? Ginigipit na kami masyado ng kompanya lahat po ng tao namin dito ay may pamilya na doon lang umaasa.
Hindi rin po kami binigyan ng meal allowance na everyday po na dapat ay mayroon.
Parang inuunti-unti kaming paalisin dito sa work.
Paano po ang gagawin namin e dito kami kumukuha ng pagkakakitaan?
Sana po ay mabasa at mabigyan po ng kasagutan ang mga katanungan namin ma’am. Marami pong salamat!
Kevin
REPLY: For immediate response, please call DOLE Hotline 1349.
Mayroon po kaming mga Hotline Service Action Officers na handang tumulong sa inyo, Monday to Sunday, bawat oras, bawat araw.
Tawag na po.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.