James tuloy ang career sa PBA, pumirma uli ng kontrata sa ‘ROS’ | Bandera

James tuloy ang career sa PBA, pumirma uli ng kontrata sa ‘ROS’

Cristy Fermin |December 29,2018
facebook
share this

James tuloy ang career sa PBA, pumirma uli ng kontrata sa ‘ROS’

Cristy Fermin - December 29, 2018 - 12:10 AM

JAMES YAP

Sigurado na ang susunod na tatlong taon ng basketball career ng ama ni Bimby na si James Yap.

Pahiyang-pahiya ang mga bashers ng basketbolista na nagsabing tapos na ang kanyang career dahil ipinamigay na siya ng kanyang team sa ibang koponan.

Maling-mali ang chika dahil nu’ng isang araw lang ay pumirma ng tatlong taong-kontrata para sa Rain Or Shine ang magaling na basketball player.

Hindi siya ipinamigay ng mga tagapamuno ng ROS, sa halip ay binigyan pa siya nang tatlong taon para makapaglaro sa team, kulang na kalahating milyong piso kada buwan ang suweldo ni James sa pinirmahan niyang kontrata.

Pero hindi pa rin nagpatinag ang mga gustong inisin ang tahimik lang na manlalaro, ngayong kapipirma lang daw niya ng kontrata sa ROS, siguro naman ay meron na siyang pagkukunan ng sustento niya para sa anak nila ni Kris Aquino.

Lumutang kasi nu’n ang rebelasyon ng aktres-TV host na hindi siya regular na nakapagbibigay ng sustento para kay Bimby, si Kris lang ang mag-isang gumagastos para sa mga pangangailangan ng kanilang anak, kaya may pinanggagalingan ang dahilan ng pamba-bash kay James ng mga miron.

Ang mahalaga ay may career pa rin si James Yap, walang katotohanan ang naunang balita na ipamimigay na siya sa ibang team, sa Rain Or Shine pa rin siya sa loob nang tatlong taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending