2 boxer pinatawan ng 3-month suspension ng GAB | Bandera

2 boxer pinatawan ng 3-month suspension ng GAB

- December 21, 2018 - 05:02 PM


PINATAWAN ng tatlong buwang suspensyon ng Games and Amusement Board (GAB) sina professional boxers Rolando Magbanua at Eugene Lagos bunsod nang paglabag sa Rules and Regulation na itinatadhana ng ahensiya sa professional boxing.
Nilagdaan nina GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at Commissioners Mario Masanguid at Atty. Eduard Trinidad ang resolusyon batay sa ‘Motu Proprio Complaint’ sa pagsuspinde sa dalawang fighters na may petsang Disyembre 17, 2018.
Nauna rito, pinagsumite ng GAB ang dalawa nang paliwanag hinggil sa kontrobersya na kanilang sinangkutan ngunit hindi naging katanggap-tanggap ang kanilang depensa sa GAB Board.
“The GAB Board unanimously approved a resolution suspending two professional boxers Rolando (Magbanua) and Eugene (Lagos). Hindi naman katanggap-tanggap ‘yung depensa nila na hindi nila alam yung regulasyon ng GAB,” pahayag ni Mitra.
Batay sa record, nakatakdang lumaban si Magbanua noong Pebrero 16, 2018 sa Riverside Parkway sa Austell, Georgia, USA ngunit hindi natuloy bunsod ng kakulangan sa paghahanda at suliranin sa pagkuha ng US visa.
Ayon sa matchmaker ni Magbanua na si Robert Yanez, nalipat ang laban sa Marso 21, 2018 ngunit sa ibang karibal.
Hindi ito pinayagan ng GAB bunsod nang kakulangan sa mga kailangang dokumento.
Ngunit sa impormasyon na natanggap ng Boxing and other Contact Sports Division ng GAB, napag-alaman na tumuloy sa laban si Magbanua na ginanap sa Fantasy Springs Casino sa California, USA sa kabila nang kawalan ng ‘written authority’ mula sa ahensya.
“Article 23 of the Rules and Regulations states that ‘before a professional Filipino boxer may be allowed to engage in a title fight or non-title fight abroad, hemust secure a written Authority to Fight signed by the Chairman or his authorized Member of the Board or Representative,” pahayag ng dating Palawan Governor at Congressman na si Mitra.
Sa kaso naman ni Lagos, matapos matalo sa kanyang laban noong Pebrero 9 sa pamamagitan ng unanimous decision sa Bomb Factory sa Dallas, Texas, USA, inirekomenda ng Texas Boxing Commission ang 30 araw na rest period.
Sa kabila nito, lumagda ng bagong kontrata si Lagos para sa non-title fight sa Marso 22, 2018 sa Fantasy Springs, USA.
Sa kabila ng kawalan ng ‘letter of authority’ mula sa GAB, itinuloy ni Lagos ang nakatakdang laban nitong Marso 22, 2018 kung saan nanalo siya sa pamamagitan ng knockout kontra Emilio Sanchez.
“Both boxers were ordered to submit explanation why they should not be held administratively liable for participating in unauthorized fights abroad. Eventually, GAB did not recognize their defesce that they did not know the requirements that must be submitted because it was the responsibility of their matchmaker,” sambit ni Mitra.
“Patuloy po tayo sa GAB na nagmamasid at nagpapatupad ng regulasyon. Para rin naman ito sa boxing at mga local fighters.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending