8 mananari na nahuli sa ilegal na tupada mananagot sa GAB | Bandera

8 mananari na nahuli sa ilegal na tupada mananagot sa GAB

|July 03,2020
facebook
share this

8 mananari na nahuli sa ilegal na tupada mananagot sa GAB

- July 03, 2020 - 08:08 AM

POSIBLENG bawian ng lisensiya ng Games and Amusements Board (GAB) ang walong mananari (gaffer) na kabilang sa 49 katao na nadakip sa ilegal na tupada sa isinagawang operasyon ng Anti-Illegal Gambling Operation ng NBI-Region 4A kamakailan sa Batangas City.

Mariing kinondena ni GAB chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang nasabing tupada na tahasang paglabag sa ipinatutupad na community quarantine sa ilalim ng Bayanihan Act para maabatan ang coronavirus (COVID-19) pandemic.

Iginiit ni Mitra na walang puwang sa ahensiya ang ilegal na gawain kung kaya’t inirekomenda na sa GAB Board na kinabibilangan din ng mga commissioner na sina Ed Trinidad at Mar Masanguid ang kagyat na pagbawi sa lisensya ng walong mananari.

“Nakalulungkot pong isipin na sa kabila ng programang isinusulong ng GAB para mailagay sa ayos ang ating mga worker sa industriya ng sabong, heto at marami pa ring ang pinipiling sumama sa mga ilegal na tupada. Hindi po natin papayagan na sirain ng ilan ang industriya,” pahayag ni Mitra.

Matapos italaga ng Pangulong Duterte, kaagad na inaksyunan ni Mitra ang pagpapalawig ng lisensya para sa mga manggagamot, sentensyador at mananari sa sabong, bilang karagdagang mandato sa pag-regulate ng mga isinasagawang international derbies sa bansa.

Kinilala ang mga lisensyadong ‘gaffers’ na sina Elmer R. Enrico (BDr05-L18-00411); Edilberto C. Clanor, Jr. (CF-G-3760); Windel William P. Uy (CF-G-6080); Noel B. Santos (CF-G-4431); Roldan C. Sison (CF-G-3712); Rommel A. Panganiban (CF-G-3734); Jomar T. Marasigan (CF-G-3730) at Roger A. Munoz (CF-G-3718).

Ayon kay Mitra, asahan ang mas mahigpit na pagbabantay ng GAB sa mga lisensyadong personnel sa lahat ng mga professional sports at mga laro na nasa pangangasiwa ng ahensiya at umaasa siyang magsisilbi itong leksyon sa lahat upang makaiwas na masangkot sa ilegal na gawain.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending