Malungkot ang Pasko dahil hindi maalala ng pamilya | Bandera

Malungkot ang Pasko dahil hindi maalala ng pamilya

Beth Viaje - December 21, 2018 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Pasko na naman at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakauwi ng Pilipinas. Isa po akong domestic worker dito sa Hong Kong. Two years na po akong hindi nakakauwi sa Pilipinas at two years na rin di present sa Pasko sa atin diyan.

Medyo nakakaranas po ang nakalungkutan tuwing ganitong panahon at pag birthday ko. Kasi kahit ako na ang maybe-birthday at magpapasko na, parating ako na lang ang nauunang bumabati sa pamilya ko. Parang kailangan ako lagi ang mauuna. Minsan naiisip ko, di man lang sila nagbibigay effort na batiin ako. Tapos mabilis silang manghingi ng pera pag may pagkakagastusan. Sorry ateng kung negang-nega ang sulat ko sa yo ngayon pang kapaskuhan. Gusto ko lang ma-out ang sama ng loob ko. Merry Christmas!

Ethel ng
Hong Kong

Hi Ethel! Salamat sa lahat ng sakripisyo mo! Salamat sa pagpapatuloy mong pagtatrabaho kahit lungkot na lungkot ka na at nangungulila sa pamilya mo.

Bayani kang tunay! Sana kahit napapagod ka na, maisip mo dahil sa iyo, mas gumagaan ang buhay ng mahal mong pamilya.

Dahil sa pagsisikap mo, tyak na may kakainin sila sa mga susunod na panahon at patuloy na may matitirhan na kumpleto sa ilaw, tubig, minsan may pa load pa sa celphone at naka data pa! at yan ay dahil hindi ka tumitigil kumilos kahit pagod na pagdo at lungkot na lungkot ka na.

Tapos yun na nga, di ka man lang nila mabati o mabigyan ng effort. Pagpasensyahan mo na rin. At least alam mong masaya sila ay ikaw ang dahilan noon.

Bilangin mo na lang ang mga pagpapalang mayroon ka. Tulad ng may trabaho ka at siguradong kita kahit malayo. Tulad ng tingin sa yo ng mga kamag-anak mo ay nagpapawis ka ng pera.

Minsan, sabihan mo rin sila…na bibili ka muna ng mamahaling bag at sapatos kaya di mo sila mapapadalhan. Nareregaluhan mo naman ang sarili mo ng masarap na birthday at Chrismas dinner. At pwede naman silang makisalo kung kaya nilang puntahan ka.

Tapos pag lungkot lungkutan na sila, sabihin mo joke lang!

Pero ang totoo Ethel, bigyan mo sila ng hangganan…na hindi sa lahat ng panahong may pangangailangan sila ay tutugunan mo. Hindi masamang mag-isip sa sarili lalo na kung marami ka na rin naman naisakripisyo at nagawa para sa kanila. Sabihin mo na nais mo rin namang mag-ipon, o gumastos para sa sarili mo.

Sa paskong ito, mahalin at iappreciate mo rin ang sarili mo, Ethel, walang masama dun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maligayang Pasko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending