Rayver, Juancho pag-aagawan si Kris sa Asawa Ko, Karibal Ko; Thea mas titindi ang kasamaan | Bandera

Rayver, Juancho pag-aagawan si Kris sa Asawa Ko, Karibal Ko; Thea mas titindi ang kasamaan

|December 20,2018
facebook
share this

Rayver, Juancho pag-aagawan si Kris sa Asawa Ko, Karibal Ko; Thea mas titindi ang kasamaan

- December 20, 2018 - 12:35 AM


TIME out muna sa pagiging good friends in real life ang Kapuso actors na sina Rayver Cruz at Juancho Trivino para sa afternoon series ng GMA na Asawa Ko, Karibal Ko.

Gumaganap ang dalawa bilang sina Gavin at David, ang magkaribal sa puso ng karakter ni Kris Bernal bilang si Rachel.

Asahan ang matitinding eksena nina Rayver at Juancho sa mga susunod na episode ng Asawa Ko, Karibal Ko lalo na ngayong lantad na ang pagmamahal nila kay Rachel.

At bukod diyan, kailangan n’yo ring tutukan ang mas marami pang pasabog nina Rachel at Venus (Thea Tolentino) lalo na kapag natuto nang lumaban si Rachel sa patuloy na pang-aapi at pananakit sa kanya ni Venus ng dahil kay Gavin.

In fairness, muling pinatunayan ni Thea na siya na nga ang bagong kontrabidang dapat katakutan ng mga bida. Patunay diyan ang mga nababasa naming comments sa social media tungkol sa Kapuso actress.

Huwag na huwag bibitiw sa pagpapatuloy ng kuwento ng Asawa Ko, Karibal Ko sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending