Vilma pinaiyak si Jessy; atat nang magkaroon ng mga apo kay Luis

By Ervin Santiago December 19,2018
share this

Vilma pinaiyak si Jessy; atat nang magkaroon ng mga apo kay Luis

By Ervin Santiago December 19,2018
share this

JESSY MENDIOLA, VILMA SANTOS AT LUIS MANZANO

PINAIYAK ng Star For All Seasons na si Vilma Santos ang future daughter in law niyang si Jessy Mendiola.

Sa episode kahapon ng Magandang Buhay, ibinandera uli ng actress-politician na atat na atat na siyang magkaroon ng apo sa kanyang anak na si Luis Manzano at nais na rin niyang maging manugang si Jessy.

Sa pamamagitan ng phone patch, sinabi ni Ate Vi na botong-boto siya sa relasyon ng anak kay Jessy, “Siyempre naiinip na rin ako dahil ang feeling ko kung ‘yun ay para sa kanilang dalawa sana ay go na. Pero at the end of the day, uulitin ko lang, ang huling magdedesisyon ay silang dalawa, kasi silang dalawa ang magsasama. Pero kung silang dalawa naman, sana matuloy na.”

Dagdag pa niya, “Siguro sa tingin ko every time they are here with me sa lahat nang kalokohan ng anak ko, ang unang-unang tumatawa si Jessy.”Kapag magkasama sila, cool lang naman si Jessy. She has a very charming personality. So, siguro kahit paano nagsa-swak ‘yung character nilang dalawang ng anak kong si Lucky.

“Kasi si Lucky, let’s face it ilang taon na rin ang anak ko, 37. Jessy is 26. So mayroon silang age gap. So, siguro ‘yung age na ‘yon, ‘yung in between ay nagko-compliment sila sa isa’t isa. I think doon silang dalawa nagki-click,” chika pa ng award-winning actress.

Binigyan din ni Ate Vi ng advice si Jessy sa usaping love, “I know love is very important pero palagay ko siguro, sa experience ko lang, ang pinaka-importante ay ‘yung respeto muna. You really have to respect your partner. There’s no such thing as adjustment period.

“The whole time of the relationship ay adjust kayo ng adjust sa isa’t isa. Kailangan nagsusuportahan kayo kasi habang tumatagal ay nag-iiba-iba ang ugali niyo. Iba na rin kapag may anak, iba na rin kapag nagka-edad. So, talagang dapat adjust ng adjust. Pero babagsak pa rin yon: respeto sa partner mo,” payo pa ng kongresista ng Lipa.

Ito naman ang sagot sa kanya ni Jessy, “Momski, thank you po sa pagmamahal. Tuwing nandiyan ako sa inyo ay palagi niyo akong niyayakap at palagi niyo akong sinasabihan ng advice. Thank you lang po. Sobrang bait niyo lang po. I hope to see you very soon, miss ka na po namin. I love you Momski.”

Napaiyak na nang tuluyan ang girlfriend ni Luis nang makiusap na si Vilma sa madlang pipol na panoorin ang 2018 MMFF entry ng dalaga na “The Girl In The Orange Dress.”

“Sa lahat naman puwede bang mag-imbita. Sana ay mapanood niyo naman si Jessy kasi sometimes minsan mahirap na maghusga tayo sa tao dahil lang sa nakikita natin, ang importante ay kilalanin niyo muna ang tao. At kapag sinuportahan niyo si Jessy, tandaan niyo sasabihin ko hindi kayo magsisisi. So good luck,” chika pa ng Star For All Seasons.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending