Piolo, JM, MayWard nag-share ng blessings sa Bantay Bata 163 | Bandera

Piolo, JM, MayWard nag-share ng blessings sa Bantay Bata 163

Bandera - December 18, 2018 - 12:15 AM


NAG-SHARE ng blessings ang mga Kapamilya stars sa pangunguna nina Piolo Pascual, JM de Guzman, Maymay Entrata at Edward Barber sa muling pagbubukas ng Bantay Bata 163 Children’s Village sa Norzagaray, Bulacan.
May edad tatlo hanggang 16 ang mga batang ipinasok sa Children’s Village na itinatag noong 2003 bilang pansamantalang tahanan ng mga biktima ng pang-aabuso o pag-aabandona na sinaklolohan ng Bantay Bata 163. Dito sila ay inaaruga, minamahal at tinutulungang gumaling mula sa kanilang mga sakit at trauma.
Ginanap ang pagbubukas kasabay ng pagbisita doon ng Star Magic Gives Back na proyekto ng primerong talent agency ng bansa, kung saan dumarayo ang mga artista at staff nito sa iba-ibang institusyon tulad ng Bantay Bata 163 para magbigay ng maagang Pamasko.
Sa Children’s Village, nakasama nina Piolo, JM, Maymay at Edward ang iba pang Star Magic artists na sina Ysabel Ortega, Sharlene San Pedro, Vivoree Esclito, Heaven Peralejo, Enzo Pineda, Ivana Alawi, Eric Nicolas, Gerhard Acao, Luis Hontiveros, Alex Castro, Yasmyne Suarez, Luke Alford, John Bermundo, Karl Gabriel at Mark Rivera sa pakikipag-bonding sa mga bata.
Sabi ni Piolo, magandang pagkakataon ito upang magpakita ng malasakit sa kapwa at magbigay din ng magandang halimbawa sa iba.
“Importanteng gamitin natin ‘yung pangalan natin, ‘yung influence natin. Ikaw ang magli-lead ng way na susundan ng mga nakababata sa ‘yo.
“Sa tingin ko malaki ang nagagawa ng pag-welcome natin sa kanila kasi pinaparamdam mo sa kanila na hindi sila nag-iisa at mayroon silang kasama sa buhay,” aniya.
Ang magka-loveteam naman na sina Maymay at Edward, nangakong patuloy na tutulong sa mga proyekto ng Bantay Bata 163.
Una nang tumulong ang higit 300 artista ng Kapamilya network sa pagbubukas ng Children’s Village sa ABS-CBN Ball 2018, kung saan nabigyan ng atensyon ang problema sa child abuse at nakalikom rin ng donasyon. Ito at ang iba pang suportang natanggap ng Bantay Bata 163 mula sa mga indibidwal at organisasyon tulad ng Quezon City local government sa pamumuno nina Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang ipinantutustos sa Children’s Village.
Muling nagpasalamat ang Bantay Bata 163 program director na si Jing Castaneda-Velasco sa pakikiisa ng mga artista sa kanilang adbokasiya sa kabila ng kanilang mga trabaho.
“Hindi iba ang Star Magic sa pagtutupad ng mga pangarap, tulad nang nagawa nito sa mga nadiskubre nitong mga talento na ngayon ay mga pinakasikat na pangalan sa industriya. Lubos kaming nagpapaslaamat na makatulong sila sa aming adhikain na maayos ang buhay at masuportahan ang mga pangarap ng mga susunod na henerasyon,” sabi niya.
Sa mga nais mag-donate, volunteer, o makilahok sa mga aktibidad ng Bantay Bata 163, tumawag lang sa 1-6-3 hotline, pumunta sa www.abs-cbnfoundation.com o maghulog sa mga Bantay Bata 163 can.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending