Confirmed: Shin Hye Sun ng ‘My Golden Life’ may bagong serye

December 17,2018
share this

Confirmed: Shin Hye Sun ng ‘My Golden Life’ may bagong serye

December 17,2018
share this

HINDI pa man umeere sa Kapamilya Network ang bagong hit Korean drama ni Shin Hye Sun, kumpirmado na ang pagbibida niya sa bagong romance drama na One And Only Love.

Kamakailan, inihayag ng ABS-CBN ang nakatakdang pagpapalabas ng My Golden Life ni Hye Sun. Ayon sa YNK Entertainment, tinanggap na ni Hye Sun ang One And Only Love.

Ito’y kuwento ni Lee Yeon Seo (Hye Sun), isang maganda at tagapagmana ng isang napakayamang conglo-merate.

Mawawalan ang karakter niya ng paningin matapos maaksidente, dahilan para hindi niya maituloy ang kanyang pangarap na maging ballerina. Magbabago rin ang pag-uugali ni Yeo Seo.

Samantala, hindi pa tiyak kung tatanggapin ni INFINITE’s L ang alok bilang male lead ng bagong K-series. Nakatakdang umere ang One And Only Love sa May, 2019.

Bukod sa My Golden Life, bumida rin si Hye Sun sa 30 But 17 at special drama series na Hymn of Death kasama si Lee Jong Suk.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending