Kapuso stars naghanda ng bonggang Christmas special
ISANG engrandeng Christmas special ang handog ng GMA Network ngayong Linggo, Dec. 16.
Nagtipun-tipon ang mga Kapuso stars para itanghal ang “Puso ng Pasko: The GMA 7 Christmas Special.”
Samahan sina Jennylyn Mercado, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez at Alden Richards sa isang gabing puno ng kantahan at sayawan.
Tampok din dito sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Andrea Torres, Winwyn Marquez, Mark Herras, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Sef Cadayona, Ruru Madrid, Derrick Monasterio, pati na rin ang mga celebrity moms na sina Kylie Padilla, Katrina Halili, Yasmien Kurdi at Manilyn Reynes.
Abangan din ang mga pasabog nina Barbie Forteza, Jak Roberto, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Kyline Alcantara, Migo Adecer, Kate Valdez, Mikee Quintos, Paul Salas, Mika dela Cruz, Arra San Agustin at Ken Chan.
Nagsama-sama rin ang Kapuso singers na sina Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Mark Bautista, Maricris Garcia, Hanna Prescillas, The Clash champion Golden Cañedo kasama ang iba pang Clashers na sina Garrett Bolden, Josh Adornado, Mirriam Manalo, Anthony Rosaldo, Kyryll Ugdiman, Lyra Micolob, Esterlina Olmedo, Danielle Ozaraga, Mika Gorospe at Melbelline Caluag.
Bukod dito, makikisaya rin sina Ai Ai delas Alas, Eugene Domingo at Michael V. kasama ang iba pang Kapuso comedians.
Maghahatid pa ng espesyal na mensahe sina Marian Rivera pati na ang mga bida ng Cain At Abel na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo, ang cast ng Eat Bulaga, Daig Kayo Ng Lola Ko, Daddy’s Gurl, Sunday PinaSaya, IBilib, Unang Hirit at marami pang iba.
Naghanda rin ng mga pagbati para sa mga Kapuso ang nangungunang personalidad ng GMA News and Public Affairs tulad nina Jessica Soho, Mike Enriquez, Mel Tiangco, Arnold Clavio, Vicky Morales at Howie Severino.
Hindi rin siyempre mawawala sa selebrasyon ang mga heartwarming stories mula sa mga pangkaraniwang tao na may mga pambihirang karanasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.