Mas maswerte raw kay Coco: Dingdong pwedeng banggitin ni Vice sa Showtime | Bandera

Mas maswerte raw kay Coco: Dingdong pwedeng banggitin ni Vice sa Showtime

Cristy Fermin |December 11,2018
facebook
share this

Mas maswerte raw kay Coco: Dingdong pwedeng banggitin ni Vice sa Showtime

Cristy Fermin - December 11, 2018 - 12:05 AM


KAPANSIN-PANSIN na hindi talaga binabanggit ang pangalan ni Coco Martin sa mga programa ng GMA 7.

Naturingang magkasama sila ni Bossing Vic Sotto sa MMFF entry ng produksiyon nito pero sa kanilang mga promo ay walang banggit ang tropa sa pangalan ng Primetime King.

Nakakalungkot nga naman ang ganu’n. Tuloy ay maiisip mo na lang na hanggang ngayo’y buhay na buhay pa rin ang network war.

Sa pelikula ni Vice Ganda ay malaya nitong naisisigaw ang mga pangalan nina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez pero si Coco na napakaigsi lang ng pangalan ay hindi talaga puwedeng banggitin sa promo ng cast ng kanilang pelikula.

Kunsabagay ay hindi na bago ang ganu’n. Nang umalis sa ABS-CBN si Derek Ramsay at lumipat sa TV5 ay ganu’ng-ganu’n din ang nangyari sa aktor.

Kapag ipino-promote ng mga artista ng Dos ang kanilang pelikula ay hindi rin binabanggit ang kanyang pangalan, at ang the height pa, nagpapagawa sila ng poster na wala ang mukha at pangalan ni Derek para lang mai-promote ang pelikula sa mga shows ng ABS-CBN.

Kuwentas-klaras lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending