Male celebrity na mahilig makisawsaw sa isyu ng ibang tao bukelya ang kabaklaan

By Cristy Fermin December 11,2018
share this

Male celebrity na mahilig makisawsaw sa isyu ng ibang tao bukelya ang kabaklaan

By Cristy Fermin December 11,2018
share this


OO nga naman. Bakit nga raw ba ganu’n? Kung sino pa ang mga personalidad na puwedeng batuhin pabalik, ‘yun pa ang emote nang emote sa social media, sila pa ang malalakas ang loob na mang-upak ng ibang tao.

Wala ba silang ibang pinagkakaabalahan? Marami ba kasi silang libreng panahon? Ano ba ang nakukuha nilang kaligayahan sa pagbimbang sa mga taong tinutumbok nila?

Reaksiyon ng isang source, “Marami silang ganyan. Kung sino pa ang dapat manahimik dahil marami silang itinatagong kalansay sa baul, e, ‘yun pa ang makukuda!

“Manahimik na lang sana sila, dahil kapag sila naman ang binalikan, patay kang bata ka! Tingnan lang natin kung may maihirit pa sila!” buwena-manong kuwento ng chikadora naming impormante.

May isang male personality na mahilig mag-post ng kung anu-anong napapansin niya sa mundo. Hindi na lang niya ‘yun sarilinin, talagang post kung post siya, na para bang walang maibabato pabalik sa kanya ang kampo ng pinakikialaman niyang personalidad.

“Palibhasa, wala siyang masyadong pinagkakaabalahan. Magkaroon man siya ng project, e, panandalian lang. Kaya ayun, kahit ano na lang, e, ipino-post niya, nagpapakalalim pa nga siya sa atake niya!

“Lahat na lang, e, pinapansin niya, mema siyang masyado, me masabi lang! Nakakaloka ang male personality na ‘yun na ang drama, e, malalim siya.

“Paano kung may sumagot din sa kanya nang pabalang? Paano kung merong hindi na makapagpigil pa sa kadadakdak niya? Paano kung may sumagot sa kanya ng, ‘Hoy, bakla! Manahimik ka na lang. Asikasuhin mo na lang na isalansan ang mga paborito mong gown?’

“Ano kaya ang magiging effect nu’n sa kanya, malulukring kaya siya, tulad ng mga ginagawa niyang panglulukring sa mga personalities na hindi naman siya inaano!

“Paano kung meron pang isang sumagot sa kanya ng ‘Hoy, baklitang ayaw magladlad! Ayusin mo na lang ang make-up collection mo, mas kapaki-pakinabang ‘yun, kesa sa pagpo-post mo ng bira sa mga kasamahan mo!’

“Ang lakas-lakas ng loob niyang pakialaman ang buhay ng ibang tao, e, hindi nga niya maiayos ang buhay niya? E, di nakakaloka siya! E, di mas magandang magladlad na lang siya!” pagtatapos ng naiinis naming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na this! Wala na kayong upuan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending