Barbie isinugod sa ospital, netizens nag-alala, nag-alay agad ng dasal | Bandera

Barbie isinugod sa ospital, netizens nag-alala, nag-alay agad ng dasal

Ervin Santiago |December 11,2018
facebook
share this

Barbie isinugod sa ospital, netizens nag-alala, nag-alay agad ng dasal

Ervin Santiago - December 11, 2018 - 12:10 AM


NAG-WORRY ang mga fans and social media followers ng Kapamilya young actress na si Barbie Imperial dahil sa kanyang Instagram photo na kuha sa isang ospital.

Kumalat ang litrato ni Barbie na natutulog habang nakahiga sa hospital bed at may nakakabit na suwero. Siyempre, nag-alala nang bonggang-bongga ang kanyang mga tagahanga na nagtatanong kung ano ang nangyari sa dalaga.

Ang nasabing photo ay ipinost sa IG ng isang Geraldyn Bombita at nirepost ni @teambarbie87.

Sunud-sunod ang comments ng netizens na karamihan ay nangakong magdarasal para sa mabilis niyang paggaling.

Ilang oras lang ang nakalipas matapos kumalat sa social media ang kanyang litrato sa ospital, nagbigay agad ng update ang dalaga tungkol sa kanyang health condition.

Hindi na idinetalye ni Barbie kung bakit siya na-confine pero aniya sa kanyang tweet, “Recharged. Fully charged.” Nilagyan pa niya ito ng “100” percent emoji.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending