Jo Berry nag-ala Cherie Gil

December 11,2018
share this

Jo Berry nag-ala Cherie Gil

December 11,2018
share this

JO BERRY AT CHERIE GIL

INATAKE ng matinding nerbiyos ang Onanay lead star na si Jo Berry habang kaeksena ang la primera contravida na si Cherie Gil sa nakaraang episode ng Dear Uge.

Dito kasi ay siya naman ang nagbitiw ng famous movie line ni Cherie na, “You’re nothing but a second-rate, trying hard copy cat.”

Yes, time out muna ang dalawa sa kanilang mga karakter sa GMA Telbabad series na Onanay at pansamantalang binaligtad muna ang kanilang mundo – si Jo ang nang-api kay Cherie sa Dear Uge bilang terror boss.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Kapuso actress ng litrato nila ni Cherie na may caption na, “Sobrang kabado ako sa eksena na ‘to! Sana nabigyan ko ng hustisya kahit papano. Thank you @gma_dear_uge family sa opportunity and especially kay Ms. @macherieamour.”

“Isa po ito sa pinaka-highlight ng showbiz career ko,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending