Anak nina Romnick at Harlene umaming may dyowa na, pero... | Bandera

Anak nina Romnick at Harlene umaming may dyowa na, pero…

Reggee Bonoan - December 11, 2018 - 12:30 AM


SA pagpasok sa showbiz ng panganay na babaeng anak nina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista na si Zeke Celestine Sarmenta ay inamin ng dalaga na kabadung-kabado siya.

Tiyak daw kasing maikukumpara siya sa kanyang mga magulang pagdating sa pag-arte.

Pagkatapos ng presscon ng 2018 Metro Manila Film Festival entry na “Rainbow’s Sunset” kung saan kasama si Zeke ay nakatsikahan namin ang dalaga kasama ang ilang katoto at dito nga niya ikinuwento ang kabang nararamdaman, lalo na nu’ng papunta na siya sa venue ng event.

Wala namang ibinilin sa kanya ang mga magulang, “Basta ang sabi nila, ‘I’m proud of you, goodluck. I know you’re gonna do well.’ All positive things and I’m very thankful kasi sobrang nervous po ako bago ako dumating dito.

“Both my parents po kasi were acting since they were kids and I see naman what kind of performance they gave. Believe it or not, I’ll go to my dad and ‘Pa, hindi ko kaya.’ I’m not anything like that. Tapos sasabihin niya, ‘sinubukan mo na ba?’ So, grabe po talaga ‘yung support at faith nila sa akin kaya ko lang nagawa ito (movie),” kuwento niya.

Hindi rin binibigyan ng tips nina Harlene at Romnick si Zeke pagdating sa pag-arte, “Actually, the whole shooting si papa kasama ko, the whole time tapos hindi niya ako tinutulungan or anything, pag sobrang hindi ko talaga kaya, sasabihin niya, ‘o sige ganito na lang.’”

Sa tanong namin kung kanino siya mas malapit, sa papa o mama niya? “Pag nakikita nila ako, si Papa talaga ang nakikita nila. Pero I have good relationship with both of my parents.
“With Dad, thankfully, ‘yung pananalita ang nakuha ko. My dad is very, pag mag-iisip siya, sobrang

thorough, sobrang klaro. Thankfully, nakukuha ko yun minsan.

“With my mama naman, grabe yung maternal instinct ko. I’ve learnerd that from her,” pahayag ni Zeke.
At bilang baguhan ay hindi raw siya dumaan sa acting workshop dahil, “Hindi po, kasi parang workshop doesn’t work for me personally, parang wala po ako masyadong napi-pick up. I mean, sure may matututunan ka nga, but I prefer learning from my parents or watching plays.”

q q q
Sa edad na 18 ay inamin ni Zeke na may boyfriend na siya at kilala raw ng magulang niya ang binata na kasalukuyang nag-aaral sa Amerika.

“One month palang naman po. Matagal ko na siyang kaibigan, actually ‘yung panliligaw niya very old school, tinanong muna niya si papa at si mama. Nag-start po manligaw one year ago, so matagal din po.

“Kilala na siya ng parents ko before pa. We met sa church po, originally he’s from somewhere else, hindi ko po puwedeng sabihin, he’s not from Manila po. Tapos we met during an event tapos naging friends kami, 12 years old pa lang po kami.

“Nag-aaral po siya ngayon sa States and doon din nakatira ang family niya, dual citizen po siya. Sa business school po siya nag-aaral,” kuwento ni Zeke.

Hindi raw nakakasama ng dalaga ang boyfriend niya dahil ayaw niyang pumunta sa Amerika, “Hindi ko po kayang malayo sa family ko.”

Biniro namin siya na malamig ang kanyang Pasko, “Ay hindi naman po, I’m very happy naman po,” depensa niya.

Hindi kaya si boyfie ang pupunta ng Pilipinas para makasama siya? “Ah, sana?” sabay tawa ng bagets.
Hindi na niya binanggit ang pangalan ng kanyang boyfriend bilang proteksyon na rin sa guy dahil may kaya raw ang pamilya nito.

Samantala, natanong din si Zeke kung hindi ba siya natakot na pumasok sa isang relasyon pero magkalayo naman sila, baka mauwi lang ito sa hiwalayan.

“No talaga, kasi para sa akin it’s like you can’t live your life on maybes. So ako, okay nu’ng una parang sabi ko sa kanya, kasi parang ang hirap nang malayo, pero sa US kasi, alam namin ‘yung end game, so long term ‘yung gusto namin,” kuwento pa ni Zeke.

At sobrang love si Zeke ng kanyang boyfie dahil nu’ng sinagot daw niya ang guy ay binigyan agad siya ng diamond ring na suot nga niya sa presscon ng “Rainbow’s Sunset”.

“Pero hindi po ito engagement ring,” sabi pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Excited na rin si Zeke sa pagsakay ng float ng “Rainbow’s Sunset” para sa Parade Of Stars ng 2018 MMFF na iikot sa Metro Manila na magsisimula sa Parañaque City at magtatapos sa Luneta.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending