Kylie-Ruru loveteam ng Encantadia magbabalik sa ‘TODA One I Love’
NAGPIYESTA ang mga loyalistang fans ng tambalang KyRu nang bumandera ang balitang muling pagsasama sa isang Kapuso project sina Kylie Padilla at Ruru Madrid.
Bibida ang dalawang Kapuso stars sa upcomin primetime series na TODA One I Love.
Balitang sa first quarter na ng susunod na taon mapapanood ang nasabing political romantic comedy series na handog ng GMA News and Public Affairs.
Pero bukod daw sa kilig, asahan din ang katatawanan sa serye at family values na matututunan ng mga manonood sa seryeng ito na malapit nang umere sa GMA Telebabad.
Matatandaang pinakilig nang husto ng KyRu loveteam ang televiewers sa sequel ng Encantadia noong 2016 bilang sina Sang’gre Amihan at Ybrahim. Hu-ling napanood si Kylie sa seryeng The Cure habang napabilang naman si Ruru sa cast ng Inday Will Always Love You.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.