2-0 Finals lead puntirya ng Magnolia Hotshots
Laro Ngayong Biyernes (Dec. 7)
(Araneta Coliseum)
7 p.m. Alaska vs Magnolia
(Game 2, best-of-three Finals series)
MAHABLOT ang 2-0 lead ang pakay ng Magnolia Hotshots kontra Alaska Aces sa kanilang 2018 PBA Governors’ Cup best-of-seven championship series ngayong Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum in Cubao, Quezon City.
Ang Hotshots at Aces ay maghaharap alas-7 ng gabi.
Dinomina ng Magnolia ang Alaska, 100-84, sa Game 1 ng title series na ginanap sa Mall of Asia Arena noong Miyerkules ng gabi.
Nagpakitang gilas ang Hotshots backcourt sa pangunguna ni Mark Barroca sa series opener para hindi makaporma ang Aces.
Matinding ratsada ang isinagawa ng Magnolia sa umpisa pa lang ng laro at ipinagpatuloy nila ang mahusay na paglalaro hanggang sa huling yugto para kumpletuhin ang pagdomina sa Alaska sa Game 1.
Kumana si Romeo Travis ng game-high 29 puntos maliban pa sa pagtala ng 13 rebound at limang assist para pangunahan ang opensa ng Hotshots sa Game 1. Sina Barroca, Paul Lee at Ian Sangalang ay nagdagdag naman ng 16, 14 10 puntos, ayon sa pagkakasunod sa Magnolia.
Ang kasama nina Barroca at Lee sa backcourt ng Magnolia na si Jio Jalalon ay nagpamalas ng all-around game sa ginawang pitong puntos, 12 rebound at siyam na assist.
Sasandalan muli ni Hotshots coach Chito Victolero ang mga nasabing manlalaro para muling manaig sa Game 2 ng kanilang title series.
Umaasa naman si Alaska coach Alex Compton na makakabawi ang kanyang koponan sa Game 2 at sasandigan niya sina import Mike Harris, Chris Banchero, Jeron Teng, Vic Manuel, Simon Enciso at Kevin Racal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.