Horoscope, December 02, 2018 | Bandera

Horoscope, December 02, 2018

Madam Sophia |December 02,2018
facebook
share this

Horoscope, December 02, 2018

Madam Sophia - December 02, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa araw na ito at sa buong isang linggo, tuloy-tuloy ang dating ng suwerte na may kaugnayan sa salapi. Sa pag-ibig, habang lumalamig ang panahon tuloy-tuloy din ang masarap na romansa. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Aum-Migeta.” Gray at violet ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa araw na ito ang suwerte ay sunod-sunod ng darating higit lalo sa salapi at aspetong pangdamdamin. Ugaliing laging magpasalamat sa mga biyayang natatanggap sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa at sa mga nangangailangan upang lalo pang madagdagan ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang 5, 9, 27, 36, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Om.” Red at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Hindi ka dapat umasa sa iyong mga kadugo at kamag-anak. Sa sariling diskarte mas madali kang uunlad. Sa pag-ibig, ang pagtatampo ng kasuyo ay lilipas din at panandalian lamang. Mapalad ang 6, 15, 24, 29, 32 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Red at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Mag-ingat sa pagpapahayag ng opinyon. Sa maling salita maaari kang mapahamak. Sa pag-ibig at pinansyal, isipin munang mabuti ang anomang sasabihin sa kausap, upang hindi ka mamali ng diskarte. Mapalad ang 2, 11, 29, 34, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Govardana-Om.” Green at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Kung may tampuhan kayo ng minamahal, resolbahin mo agad bago tuluyang mawasak ang relasyon. Sa pinansyal, malapit ng matanggap ang 13th month pay kaya magiging masasaya ka na naman. Kung natanggap na, hindi mo naman ito dapat na agad-agad ubusin, matutong magtipid para sa nalalapit na Bagong Taon at Valentine’s day. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Beige at silver ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Masosolusyunan ang problemang pang-materyal kung mag-aasawa ka ng kuripot. Sa ganyang paraan mas madali kayong yayaman. Mapalad ang 1, 4, 10, 19, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jagat-Guro-Om.” Beige at white ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Ituloy ang pagpupursige na yumaman, siguradong sa edad mong 51 pataas mararating mo rin yan. Sa pag-ibig, hindi dapat kontrahin ang suwestyon ng kasuyo na may kaugnayan sa pagpapalago ng kabuhayan. Mapalad ang 4, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Red at yellow ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Produktong may kaugnayan sa pagkain ang dapat simulan. Puto-bibingka at iba pang pagkain pampasaya ngayong malapit na ang Simbang Gabi ang dapat. Sa pag-ibig, umiihip na ang hanging amihan, habang lumalamig ang panahon romansahin ang kasuyo. Mapalad ang 6, 18, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Green at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Hindi maganda ang nagagalit, lalo ka lang papangit. Sa pagiging masayahin at palangiti, maraming salapi at masarap na romansa ang aanihin. Mapalad ang 9, 18, 30, 33, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Gray at silver ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pinansyal at pag-ibig, kapag may katuwiran – ipaglaban mo! Sa ganyang paraan, mas lalo kang uunlad, mas lalong lalago ang kabuhayan at magkakaroon ka ng mapayapang isipan. Mapalad ang 7, 11, 19, 23, 26 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at black ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Nakamamangha na nakatutulong ka sa iba, gayong ang sarili mo ay dapat mo ring tulungan. Nakikita ng nasa itaas ang kabutihan ng iyong loob, kaya naman sa malapit na hinaharap, dagdag pang suwerte at magandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad ang 6, 18, 23, 27, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Yellow at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Malaki ang maitutulong ng isang kaibigang may bigote. Siya ang dapat mong lapitan sa suliraning may kaugnayan sa salapi. Sa pag-ibig, sa isang unipormadong nilalang, matatagpuan ang true love. Mapalad ang 6, 14, 22, 31, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Maigate-Om.” Lilac at Magenta ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — May kalungkutang madarama. Ganyan talaga ang buhay, lahat naman tayo ay nangangailangan ng pera – makakaisip ka rin ng magandang paraan para magkapera. Sa pag-ibig, ang kasuyong Cancer ang tanging nilalang na magpapasaya ng araw. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Nirayana”. Green at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending