Showbiz couple naghiwalay na, female star sumuko sa walang kwentang dyowa | Bandera

Showbiz couple naghiwalay na, female star sumuko sa walang kwentang dyowa

Cristy Fermin |December 02,2018
facebook
share this

Showbiz couple naghiwalay na, female star sumuko sa walang kwentang dyowa

Cristy Fermin - December 02, 2018 - 12:15 AM


MATAGAL na palang hiwalay ang dalawang personalidad na nagplano nang magpakasal. Tahimik lang sila tungkol sa kanilang hiwalayan para hindi na sila abalahin pa ng mga nang-uurirat.

Mula sa isang malaking pamilya ng mga artista ang lalaki at ang female personality naman ay nabigyan ng pagkakataong makilala nu’n sa isang network.

Nagtagal din naman ang kanilang relasyon, pinlano na nga nilang magpakasal, pero ano nga kaya ang nangyari at sa wala rin nauwi ang kanilang pagmamahalan?

Isang source ang nagkuwento, “Mahirap kasing ispilengin ang ugali nu’ng male personality. May pagkasuplado siya, parang sobra ang believe niya sa sarili niya, mahirap siyang pakisamahan.

“Remember, naging girlfriend din niya nu’n ang isang female personality na may kakaiba ring ugali, di ba? Matagal silang naging magkarelasyon, pero wala rin, nauwi rin sila sa hiwalayan.

“‘Yun din ang kuwentong lumabas nu’n, mahirap pakibagayan ang male personality dahil masyado siyang ambisyoso! Matayog ang pangarap niya sa mundo ng politics, kaya napababayaan niya na ang personal niyang buhay,” chika ng aming impormante.

Mas abala nga ang male personality sa kanyang pangarap, pangalawa lang sa kanya ang lovelife, dahil ang prayoridad niya ay ang matupad ang kanyang napakataas na pangarap sa serbisyo-publiko.

“Natural, nainip na ang babae dahil parang wala namang plano ang guy tungkol sa relasyon nila. Halos sa labas na ng bahay nakatira ang lalaki, hindi na niya naaasikaso ang taong nagmamahal at nakasuporta sa kanya.

“Wala na, matagal nang tapos ang relasyon nila, nagkasundo lang silang mananahimik na lang para hindi pagpiyestahan ang buhay nila. May bago nang boyfriend ang girl, dribolero ng bola, may maipagmamalaki rin ang guy, kilalang-kilala siya sa hardcourt.

“Ang male personality? Ayun, tatakbo na naman siya sa inaasinta niyang posisyon, du’n lang siya nakatutok ngayon, ‘yun ang pinakamahalaga sa buhay niya ngayon.

“Gusto niya kasing maabot ang narating ng tatay niya, pero Tsong naman, magkalayo ang ugali nila! Ma-PR ang tatay niya! Punumpuno ng pakikisama!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na kung sinu-sino sila, ha? Wala na kayong upuan dapat n’yan sa Row 4 na katabi ang mabantot na basurahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending