Coco alagang-alaga si Maine; nagpakilig ng mga fans sa mall
CLICK na click sa audience sina Coco Martin at Maine Mendoza nang mag-mall tour sila recently for the promotion of their movie “Jack Em Popoy: The Puliscredibles.”
Kaagad na sinundo ni Coco si Maine habang papunta ito sa stage kaya naghiyawan ang mga tao. Grabe ang kilig na nadama nila lalo pa’t kinantahan pa ni Coco si Maine. Maging ang netizens ay kilig na kilig sa dalawa.
“Hindi na umabot sa videong ito habang inaalalayan ni Coco si Maine, tinawag nya, ‘Lika magandang binibini.’ La lang, kinilig lang. I swear, the CHEMISTRY of these two is soooo addicting!! Help me, Hindi ko maintay ang PASKO!!!”
“Sana naman may guesting sa Probinsyano si Maine.”
“Nakaalalay kaagad si Coco napaka gentleman talaga ni Kuya Cardo Dalisay.”
“Nakakapagpasaya kayo sa mga viewers Coco and Maine dahil sa kakulitan nyo. Congrats.”
Actually, kahit saan magpuntang mall si Coco Martin ay hiyawan at sigawan ang sumasalubong sa kanya.
Halos madoble ang kilig lalo pa’t sinasamahan na siya ni Maine sa pagpo-promote ng MMFF movie nila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.