P1.2M shabu nakumpiska mula sa construction worker sa Bohol
ARESTADO ang isang pinaghihinalaang drug dealer matapos mahulihan ng P1.2 milyong halaga ng shabu sa isinagawang operasyon ng Bohol Police Provincial Office ngayong araw.
Nahuli ang suspek na si Jofil Bologa Marquiala, 33, sa Purok Nangka sa Barangay Magtongtong, bayan ng Calape ganal na alas-3 ng umaga matapos magbenta ng P2,000 ng shabu sa isang undercover na pulis.
Nakumpiska rin ang 100 gramo ng shabu na nasa 15 sachet mula sa suspek, na isang construction worker.
Nauna nang sumuko ang suspek, na residente ng Barangay Songculan, Dauis kaugnay ng kampanya ng gobyerno kontra Tokhang.
“He was a high value target in Dauis town,” sabi Police Senior Inspector Romar Labasbas, acting chief ng Dauis Police Station.
Sinabi ni SPO1 Henry Calotes of Calape Police Station, na lumipat lamang ang suspek sa bayan noong Hunyo dahil taga Calape ang kanyang misis.
“But he continued his illegal drug trade here,” sabi ni Calotes.
Nakakulong si Marquiala sa Calape Police Station custodial facility. I
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.